Si Aries. Suot niya ang isang pormal na dark suit, ang kaniyang buhok ay naka-ayos nang maigi, pilit na ipinapakita ang awtoridad na kayang pantayan ang kay Niro. Pagkapasok ko, awtomatikong nag-angat ng tingin si Aries.Nang makita niya ako, nakita ko kung paano lumambot ang kaniyang mga mata. Tumayo siya agad mula sa kaniyang upuan, hindi pinapansin ang madilim na presensya ni Niro sa harap ko. “Sylviea,” malambot at punong-puno ng pag-aalalang banggit niya sa pangalan ko. Gusto kong magsalita. Gusto kong magtanong kung para saan ito. Ang sabi ko siya lang ang kakausap, hindi ako haharap bilang CEO. Pero bakit andito pa rin ako.Tinignan ko siya na parang nagtatanong pero ngiti lang ang isinagot niya.“Take your seat, Villantres. Nandito na ang gusto mong makita. Let’s get this over with,” malamig na utos ni Niro, kinuha ang atensyon ni Aries.Umupo siya sa isang upuan at itinuro sa akin ang upuan sa malayo, sa dulo ng lamesa, na parang isa akong aso na inuutusang lumayo.
続きを読む