Nanlamig ang buong katawan ko. God, Niro. Ganito ka na ba kagalit sa mundo? “N-Naiintindihan ko po, Sir,” nanginginig kong sagot.“You may go. Be ready by 5 AM tomorrow. Niorr wakes up early,” pagtataboy niya, ibinabalik na ang atensyon sa mga papeles sa mesa niya.Mabilis akong tumayo at naglakad palabas. Nang maisara ko ang pinto ng study room, doon lang ako nakahinga nang maluwag. Napahawak ako sa dibdib ko.Masyado siyang mapanuri. Isang maling kilos ko lang, alam kong mabubunyag ang lahat. Kailangan kong mag-ingat. Para kay Niorr. At para na rin sa sarili ko.***Sa wakas. Nakakapagod pero sobrang satisfying ng unang araw ko.Ang totoo, hindi ko inasahan na agad agad ay magsisimula ako. Ni hindi ko man lang iyon naisip kanina sa sobrang pananabik ko sa anak ko.At ngayon na tulog na siya, saka lang pumasok sa isip ko ang lahat. Ni hindi ko pa nga naayos ang mga gamit ko. Sa isang kwarto pang katulong ako nilagay ni Manang Lita, ang punong katiwala. Pero ang mga gamit ko, ay hindi
Magbasa pa