“You like it?” biglang tanong ni Niro sa tabi ko. Hindi ko man lang napansin na nakalapit na pala siya.“I-It's beautiful, Niro,” sagot ko habang nakatanaw sa asul na dagat.“Nothing is too much for Lexus…”“And for you…” mahinang dugtong niya bago siya naglakad papunta sa kwarto para ilapag ang kaniyang phone.Naiwan akong nakatayo roon, tila kinurot ang puso ko sa sinabi niya.For me?“Tita Viea! Let's swim! Please, please, please!” napabalik ako sa realidad ng hilain ni Lexus ang kamay ko. Nakasuot na siya ng kaniyang swimming trunks.“O-okay, baby. Magbibihis lang si Tita, ha? Wait for me with Daddy,” saad ko habang pilit na ngumingiti kahit na ang totoo ay nanginginig na ang tuhod ko sa isiping kailangan kong isuot ang isa sa mga bikining pinabili niya.Pumasok ako sa banyo ng master’s bedroom. Nilabas ko ang pulang bikini. Nang itapat ko ito sa katawan ko sa harap ng salamin, halos mapamura ako.Spencer, bakit naman ganito kaliit? Literal na takip lang ito sa mga dapat takpan. An
Last Updated : 2026-02-25 Read more