Nakaupo ako sa aking kwarto, nakatingin sa bintana, pero ang isip ko, wala sa tanawin sa labas. Hindi ko maiwasan ang paulit-ulit na isipin ang babaeng iyon.She's different.Hindi tulad ng ibang babae na nakilala ko sa high society, sa mga parties at social gatherings. Hindi siya elegante, hindi magara, pero may kakaibang aura. Parang hindi siya nagpapanggap, hindi takot sa sarili niyang kahirapan, at kahit nai-humiliate, may tapang na bumangon.Ramdam ko ang kakaibang tensyon, parang may magnet na humihila sa akin sa kanya. Ang kanyang simplicity, ang tapang, at kahit ang pagiging stubborn niya… lahat ng iyon, naiiba.Kinaumagahan, habang nag-aalmusal ako sa dining room, lumapit si Mommy.“Nathaniel, kailangan mong pumunta sa blind date ng anak ng business partner natin,” malakas at determined ang boses niya. “Kailangan ninyong makilala ang isa’t isa. Family expectations, Nathaniel.”Napatingin ako sa kanya. Again?Sawa na ako sa paulit-ulit na matchmaking ni Mommy para sa busines
Dernière mise à jour : 2026-01-17 Read More