LOGINHindi ko alam kung gaano katagal akong nakaupo sa likod ng villa, umiiyak habang yakap ang sarili ko. Ang alam ko lang, unti-unti nang humina ang ingay sa loob. Wala na ang malalakas na tawanan, wala na ang tugtugan, wala na ang mga bisitang kanina lang ay parang mga hari at reyna ng mundo.
Nang tuluyan nang tumahimik ang paligid, pinahid ko ang mga luha ko. “Trabaho pa rin,” bulong ko sa sarili ko. “Hindi ka pwedeng huminto.” Tumayo ako at pumasok muli sa loob ng villa. Ang gulo. Basag na baso, mga bote ng alak, pinagkainan sa kung saan-saan, mga napkin sa sahig, at amoy ng mamahaling pabango na humalo sa alak. Tahimik na ang lugar, pero ramdam pa rin ang bigat ng nangyari kanina. Tahimik akong nagligpit. Pinipilit kong huwag nang isipin ang humiliation na naranasan ko. Bawat pulot ko ng basura, para bang pinupulot ko rin ang pira-piraso ng dignidad ko. Habang abala ako, biglang may pumasok. Narinig ko ang yabag ng sapatos sa marmol na sahig. Napahinto ako. Pag-angat ko ng ulo, siya ang bumungad sa akin. Ang mayabang na lalaki. Laking gulat ko. Akala ko umalis na ang lahat. Lumapit siya nang dahan-dahan, wala na ang malamig at mataray na aura niya kanina. Iba ang itsura niya ngayon… mas tahimik, mas seryoso. “I’m sorry… for what happened earlier,” sabi niya, malambot ang boses. Nanlaki ang mga mata ko. Wow. Himala. “Aba… nag-sorry ang mayabang na ’to,” bulong ko sa sarili ko, hindi ko napigilan. “What did you say?” tanong niya, bahagyang nagtaas ng kilay. “Nothing po,” mabilis kong sagot, pilit ngumiti kahit naiinis pa rin ako sa loob. Ang nasa isip ko lang, kailan ba siya aalis para makapag-focus na ako sa trabaho ko? Tumahimik sandali bago siya muling nagsalita. “Anyway,” sabi niya, sabay abot ng kamay. “I’m Nathaniel Cross.” Napatingin ako sa kamay niya, pero hindi ko agad tinanggap. Tumango lang ako. “At yung babae kanina,” dagdag niya. “She’s my ex-girlfriend. Vanessa.” Ex? So, wala na sila? “She’s just… playful,” sabi niya, parang wala lang. “Please, try to understand.” Sa loob-loob ko, parang may sumabog. What the hell? Playful ba ’yon? She humiliated me in front of all those people! Tinulak niya ako sa pool! Pinagtawanan niya ako! Napailing ako sa isip ko. Nahawa na ata ako sa English nito, sarcastic kong bulong sa sarili ko. Pero hindi ko sinabi kahit isa sa mga iyon. Sino ba naman ako para magreklamo? Isa lang naman akong hamak na basurera. Ngumiti ako ng pilit. “Okay lang po,” sabi ko, kahit hindi naman talaga. “Wala na po sa akin ’yon.” Tumalikod ako agad at nag-umpisang magligpit ulit, ayokong makita niyang nanginginig pa rin ang kamay ko. Pero laking gulat ko nang marinig ko ang kaluskos sa tabi ko. Napatingin ako. Tinulungan niya akong magpulot. Yumuko siya at kinuha ang mga bote sa sahig, maingat, parang sanay… kahit halatang hindi. Wow ha, bulong ko sa sarili ko. May consideration din pala ang isang ’to. Not bad. “You don’t have to do that,” sabi ko, medyo alanganin. “I know,” sagot niya. “But I want to.” Tahimik kaming nagligpit. Walang salita, pero ramdam ko ang presensya niya. Hindi siya bastos. Hindi siya mapangmata. Tahimik lang. “Why are you doing this job?” bigla niyang tanong. Napahinto ako sandali. “Kailangan,” sagot ko. Simple. Diretso. He nodded. “You didn’t deserve what happened earlier.” Napatingin ako sa kanya, nagulat. Hindi ko inaasahan ’yon. “Hindi mo kasalanan,” dagdag niya. “And… I should’ve stopped it.” May kung anong kumurot sa dibdib ko. “Hindi niyo naman responsibilidad,” sabi ko. “Sanay na po ako.” Pero sa totoo lang, hindi ako sanay. Wala lang talaga akong choice. Tumingin siya sa akin, parang may gustong sabihin pero pinili niyang manahimik. Habang naglilinis kami, napansin ko kung gaano siya kaingat… inaayos niya ang mga basag na bote, sinisiguro na hindi ako matatamaan. Hindi siya tulad ng inaakala kong puro yabang lang. “Thank you,” mahina niyang sabi nang matapos kami sa isang parte ng sala. Tumango lang ako. Sa katahimikan ng villa, doon ko naramdaman ang kakaibang tensyon. Hindi galit. Hindi rin saya. Isang bagay na hindi ko maipaliwanag. Bago siya umalis, huminto siya sa harap ko. “I hope I’ll see you again,” sabi niya. Napangiti ako ng bahagya, pilit tinatago ang pagod at lungkot. “Ewan ko po,” sagot ko. “Trabaho lang po ako dito.” Tumango siya, saka tuluyang umalis. Nang mag-isa na ulit ako, napaupo ako sandali at napabuntong-hininga. Hindi ko alam kung bakit, pero sa gitna ng lahat ng sakit at kahihiyan… may isang bagay na nagsimulang magbago. At ang mayabang na lalaking akala ko’y puro yabang lang… Mukhang hindi pala ganoon kasimple.Nathaniel’s POV“Seriously, Nathaniel?!”Bumangga sa pader ang sigaw ni Mom kasabay ng paghagis niya ng folder diretso sa mukha ko. Hindi ko man lang naiwasan… bumagsak iyon sa sahig, bumukas, at kumalat ang mga papel. Mga litrato. Background check. Address. Trabaho.Lahat tungkol kay Lira.Tahimik lang akong nakatayo habang nanginginig sa galit ang kamay ni Mom. Kita ko sa mga mata niya ang pagkadismaya, parang may nag-crack na salamin sa perpektong mundo niya.“Sa dami-dami ng babae sa mundo, bakit sa isang hampaslupa pa talaga?!” sigaw niya.“The lowest of the low, Nathaniel! A garbage collector? A basurera?!”Huminga siya nang malalim, parang nauubusan ng hangin sa sobrang galit.“My God, son… what happened to you?” nangingilid ang luha niya pero hindi dahil sa sakit… kundi sa kahihiyan.“Hindi kita pinalaki para lang mapunta ka sa isang basura.”Dahan-dahan akong yumuko at pinulot ang mga papel. Isa-isa. Parang sinasadya kong patagalin. Hindi ko alam kung bakit, pero habang tinit
Lira’s POVHindi pa rin mawala sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Nathaniel sa alley… maging asawa ko. Parang sirang plaka na paulit-ulit na tumutunog sa utak ko habang naglalakad pauwi, hinihila ko ang cart na puno ng basura. Ang bigat ng hangin, ang bigat ng mundo, at lalong mabigat ang dibdib ko. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o maiinis. Sino ba siya para mag-alok ng gano’n? At sino ba ako para tanggihan agad kung alam kong kailangan ko ng pera para sa kapatid ko?Pagdating ko sa inuupahan naming maliit na kwarto, nadatnan ko si Marco na nakahiga, pawisan at namumutla. Kumirot ang puso ko. Lumapit ako at pinunasan ang noo niya. “Ate,” mahina niyang tawag, pilit na ngiti. Doon ko naramdaman ang sagot sa tanong ko… kahit gaano ka-absurdo ang alok ni Nathaniel, may dahilan kung bakit ako natigilan.Kinabukasan, maaga akong tinawagan ni Nathaniel. Hindi ko alam kung bakit ako sumagot. Siguro dahil sa sobre. Siguro dahil sa mga mata niya kahapon… seryoso, walang halong biro. “Me
Lira’s POVHindi ko alam kung malas lang ba talaga ang araw na ’yon o sadyang sinusubok ako ng tadhana, pero sa mismong alley kung saan araw-araw akong naghahakot ng basura, doon ko ulit siya nakita.Si Nathaniel.Nakatayo siya sa gilid ng eskinita na parang hindi nababagay sa lugar. As usual, naka-porma, maayos ang buhok, suot ang mamahaling damit na halatang hindi kailanman dumampi sa dumi ng mundo. May halong arrogance ang tindig niya… ’yung tipong sanay siyang sinusunod, sanay siyang nasa itaas.Saglit akong natigilan, pero mabilis ko ring binalewala ang presensya niya. Wala akong panahon sa mga katulad niya. Yumuko ako at binuhat ang garbage bag para ilagay sa cart ko.“Lira.”Hindi ko siya pinansin.Binuhat ko ang isa pang sako ng basura, pero bago ko pa maitulak ang cart, bigla niyang hinawakan ang braso ko.Napalingon ako, inis na inis.“Ano ba kailangan mo?” mataray kong tanong habang pilit kong inaalis ang kamay niya.Hindi siya agad sumagot. Sa halip, may iniabot siyang sob
Nakaupo ako sa aking kwarto, nakatingin sa bintana, pero ang isip ko, wala sa tanawin sa labas. Hindi ko maiwasan ang paulit-ulit na isipin ang babaeng iyon.She's different.Hindi tulad ng ibang babae na nakilala ko sa high society, sa mga parties at social gatherings. Hindi siya elegante, hindi magara, pero may kakaibang aura. Parang hindi siya nagpapanggap, hindi takot sa sarili niyang kahirapan, at kahit nai-humiliate, may tapang na bumangon.Ramdam ko ang kakaibang tensyon, parang may magnet na humihila sa akin sa kanya. Ang kanyang simplicity, ang tapang, at kahit ang pagiging stubborn niya… lahat ng iyon, naiiba.Kinaumagahan, habang nag-aalmusal ako sa dining room, lumapit si Mommy.“Nathaniel, kailangan mong pumunta sa blind date ng anak ng business partner natin,” malakas at determined ang boses niya. “Kailangan ninyong makilala ang isa’t isa. Family expectations, Nathaniel.”Napatingin ako sa kanya. Again?Sawa na ako sa paulit-ulit na matchmaking ni Mommy para sa busines
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaupo sa likod ng villa, umiiyak habang yakap ang sarili ko. Ang alam ko lang, unti-unti nang humina ang ingay sa loob. Wala na ang malalakas na tawanan, wala na ang tugtugan, wala na ang mga bisitang kanina lang ay parang mga hari at reyna ng mundo.Nang tuluyan nang tumahimik ang paligid, pinahid ko ang mga luha ko.“Trabaho pa rin,” bulong ko sa sarili ko. “Hindi ka pwedeng huminto.”Tumayo ako at pumasok muli sa loob ng villa.Ang gulo.Basag na baso, mga bote ng alak, pinagkainan sa kung saan-saan, mga napkin sa sahig, at amoy ng mamahaling pabango na humalo sa alak. Tahimik na ang lugar, pero ramdam pa rin ang bigat ng nangyari kanina.Tahimik akong nagligpit. Pinipilit kong huwag nang isipin ang humiliation na naranasan ko. Bawat pulot ko ng basura, para bang pinupulot ko rin ang pira-piraso ng dignidad ko.Habang abala ako, biglang may pumasok.Narinig ko ang yabag ng sapatos sa marmol na sahig.Napahinto ako.Pag-angat ko ng ulo, siya
Bago pa man ako makapulot ng kahit isang piraso ng basura, pinatawag muna kami sa loob ng villa.“Waitress muna kayo,” sabi ng isang staff, sabay abot ng mga uniform.Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isinuot ko. Maiksi. Sobrang iksi. Manipis ang tela, hapit sa katawan, at halos kita ang hita ko. Hindi ako sanay. Hindi ako komportable. Pakiramdam ko, hubad na hubad ako sa paningin ng lahat.“Okay ka lang?” tanong ng isa sa mga kasama ko.Lima kaming babae. Halos magkakaedad lang. Yung iba, halatang kinakabahan… may nanginginig ang kamay, may nakayuko, may halos maiyak na.“Bakit?” mahina kong tanong.Hindi agad siya sumagot. Ngumuso lang siya at itinuro ang isang direksyon.Napatingin ako roon.At doon ko siya nakita.Ang mayabang na lalaki… naka-akbay sa isang magandang babae. Maputi, makinis ang balat, eleganteng nakasuot ng gown na parang artista. Nakangiti siya, tila sanay sa atensyon, habang ang lalaki ay bahagyang nakayuko sa kanya, parang siya lang ang mundo nito.Bigl







