Home / Romance / From Basurera to CEO'S Wife / Chapter 3 – Sa Ilalim ng Mga Ilaw

Share

Chapter 3 – Sa Ilalim ng Mga Ilaw

Author: Mooncaster
last update Huling Na-update: 2026-01-17 21:54:59

Bago pa man ako makapulot ng kahit isang piraso ng basura, pinatawag muna kami sa loob ng villa.

“Waitress muna kayo,” sabi ng isang staff, sabay abot ng mga uniform.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isinuot ko. Maiksi. Sobrang iksi. Manipis ang tela, hapit sa katawan, at halos kita ang hita ko. Hindi ako sanay. Hindi ako komportable. Pakiramdam ko, hubad na hubad ako sa paningin ng lahat.

“Okay ka lang?” tanong ng isa sa mga kasama ko.

Lima kaming babae. Halos magkakaedad lang. Yung iba, halatang kinakabahan… may nanginginig ang kamay, may nakayuko, may halos maiyak na.

“Bakit?” mahina kong tanong.

Hindi agad siya sumagot. Ngumuso lang siya at itinuro ang isang direksyon.

Napatingin ako roon.

At doon ko siya nakita.

Ang mayabang na lalaki… naka-akbay sa isang magandang babae. Maputi, makinis ang balat, eleganteng nakasuot ng gown na parang artista. Nakangiti siya, tila sanay sa atensyon, habang ang lalaki ay bahagyang nakayuko sa kanya, parang siya lang ang mundo nito.

Biglang may kumirot sa dibdib ko, hindi ko alam kung bakit.

“Anong meron sa kanila?” tanong ko.

Nagtinginan lang ang mga kasama ko, pero wala ni isa ang sumagot.

Hindi na rin sila nakapagsalita pa dahil bigla kaming tinawag.

“Lahat ng waitress, sa gitna!”

Napapikit ako saglit bago lumakad. Hawak ko ang tray, nanginginig ang mga kamay ko. Ramdam ko ang mga matang sumusunod sa bawat hakbang ko… mga matang mapanghusga, mausisa, at ang iba, bastos.

Habang nagse-serve kami, biglang sumigaw ang magandang babae.

“MY NECKLACE!” sigaw niya. “Nahulog sa pool!”

Natahimik ang lahat.

She stood up, hawak ang leeg niya. “That necklace is expensive,” dagdag niya, malakas ang boses. “Whoever finds it, I’ll give money.”

Nagtinginan ang lahat. Pero walang gumalaw.

Walang gustong lumapit.

Napatingin ako sa pool. Malalim. Madilim. Tahimik ang paligid.

Nag-atubili ako.

Pero biglang pumasok sa isip ko ang mukha ng kapatid ko. Ang pangakong bibilhan ko siya ng gamot. Ang bahay naming halos gumuho na.

Huminga ako nang malalim.

“Ako po,” mahina pero matatag kong sabi.

Napangiti ang babae. Kita ko rin na umiling ang lalaki, parang may gustong pigilan. Parang sinasabi ng mga mata niya na wag.

Pero huli na.

“What are you waiting for?” malamig na sabi ng babae. “Go look for it.”

Lumapit ako sa gilid ng pool…

At bigla niya akong itinulak.

“AY!”

Natawa siya ng malakas. Tumawa rin ang ilan sa mga bisita.

Muntik na ako mawalan ng balanse, pero buti na lang marunong akong lumangoy. Lumubog ako sa tubig, malamig, mabigat sa dibdib.

Huminga ako nang malalim at nagsimulang maghanap.

Ilang minuto lang, may kumislap.

Nakita ko ang kwintas.

Napangiti ako sa ilalim ng tubig, parang may kaunting tagumpay.

Pag-ahon ko, basang-basa ako. Dumikit ang maikling uniform sa katawan ko. Ramdam ko ang mga matang nakatitig… mas malinaw ngayon, mas bastos.

“Nahanap ko po,” sabi ko, hawak ang kwintas.

Pero parang wala akong narinig na tugon.

Parang hindi ako nag-eexist.

May naghahalikan sa gilid. May nagtatawanan. May nag-uusap. Walang tumitingin sa akin.

Dahan-dahan akong umahon sa pool at lumapit sa magandang babae.

“Nandito na po,” sabi ko, inaabot ang kwintas.

Kinuha niya ito, saka naglabas ng pera.

Pag-abot ko ng kamay…

Bigla niya itong itinapon sa pool.

“Oops,” sabi niya sabay tawa. “Sorry. Kunin mo na lang.”

Parang may bumagsak sa dibdib ko.

Napailing lang ang lalaki. Kita ko sa mukha niya ang pagkainis, pero hindi siya nagsalita.

Hindi ko na napigilan ang luha ko.

Sobrang iksi ng suot ko. Basang-basa ako. Ramdam ko ang mga matang sumusunod sa bawat galaw ko… lalo na ng ilang lalaki.

Lumangoy ulit ako, kinuha ang pera, at pag-ahon ko, tumakbo ako palayo.

Hindi ko na inintindi ang sigaw ng staff.

Sa likod ng villa, doon ako huminto.

At doon, tuluyan nang bumuhos ang luha ko.

I feel humiliated.

Hindi dahil mahirap ako.

Kundi dahil pinili nilang tapakan ang dignidad ko.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • From Basurera to CEO'S Wife    Chapter 8 – Ang Babaeng Ayaw Nilang Tanggapin

    Nathaniel’s POV“Seriously, Nathaniel?!”Bumangga sa pader ang sigaw ni Mom kasabay ng paghagis niya ng folder diretso sa mukha ko. Hindi ko man lang naiwasan… bumagsak iyon sa sahig, bumukas, at kumalat ang mga papel. Mga litrato. Background check. Address. Trabaho.Lahat tungkol kay Lira.Tahimik lang akong nakatayo habang nanginginig sa galit ang kamay ni Mom. Kita ko sa mga mata niya ang pagkadismaya, parang may nag-crack na salamin sa perpektong mundo niya.“Sa dami-dami ng babae sa mundo, bakit sa isang hampaslupa pa talaga?!” sigaw niya.“The lowest of the low, Nathaniel! A garbage collector? A basurera?!”Huminga siya nang malalim, parang nauubusan ng hangin sa sobrang galit.“My God, son… what happened to you?” nangingilid ang luha niya pero hindi dahil sa sakit… kundi sa kahihiyan.“Hindi kita pinalaki para lang mapunta ka sa isang basura.”Dahan-dahan akong yumuko at pinulot ang mga papel. Isa-isa. Parang sinasadya kong patagalin. Hindi ko alam kung bakit, pero habang tinit

  • From Basurera to CEO'S Wife    Chapter 7 – Ang Kasunduang Hindi Ko Inasahan

    Lira’s POVHindi pa rin mawala sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Nathaniel sa alley… maging asawa ko. Parang sirang plaka na paulit-ulit na tumutunog sa utak ko habang naglalakad pauwi, hinihila ko ang cart na puno ng basura. Ang bigat ng hangin, ang bigat ng mundo, at lalong mabigat ang dibdib ko. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o maiinis. Sino ba siya para mag-alok ng gano’n? At sino ba ako para tanggihan agad kung alam kong kailangan ko ng pera para sa kapatid ko?Pagdating ko sa inuupahan naming maliit na kwarto, nadatnan ko si Marco na nakahiga, pawisan at namumutla. Kumirot ang puso ko. Lumapit ako at pinunasan ang noo niya. “Ate,” mahina niyang tawag, pilit na ngiti. Doon ko naramdaman ang sagot sa tanong ko… kahit gaano ka-absurdo ang alok ni Nathaniel, may dahilan kung bakit ako natigilan.Kinabukasan, maaga akong tinawagan ni Nathaniel. Hindi ko alam kung bakit ako sumagot. Siguro dahil sa sobre. Siguro dahil sa mga mata niya kahapon… seryoso, walang halong biro. “Me

  • From Basurera to CEO'S Wife    Kabanata 6 – Ang Alok na Hindi Ko Inasahan

    Lira’s POVHindi ko alam kung malas lang ba talaga ang araw na ’yon o sadyang sinusubok ako ng tadhana, pero sa mismong alley kung saan araw-araw akong naghahakot ng basura, doon ko ulit siya nakita.Si Nathaniel.Nakatayo siya sa gilid ng eskinita na parang hindi nababagay sa lugar. As usual, naka-porma, maayos ang buhok, suot ang mamahaling damit na halatang hindi kailanman dumampi sa dumi ng mundo. May halong arrogance ang tindig niya… ’yung tipong sanay siyang sinusunod, sanay siyang nasa itaas.Saglit akong natigilan, pero mabilis ko ring binalewala ang presensya niya. Wala akong panahon sa mga katulad niya. Yumuko ako at binuhat ang garbage bag para ilagay sa cart ko.“Lira.”Hindi ko siya pinansin.Binuhat ko ang isa pang sako ng basura, pero bago ko pa maitulak ang cart, bigla niyang hinawakan ang braso ko.Napalingon ako, inis na inis.“Ano ba kailangan mo?” mataray kong tanong habang pilit kong inaalis ang kamay niya.Hindi siya agad sumagot. Sa halip, may iniabot siyang sob

  • From Basurera to CEO'S Wife    Chapter 5 – Isang Hindi Inaasahang Iniisip

    Nakaupo ako sa aking kwarto, nakatingin sa bintana, pero ang isip ko, wala sa tanawin sa labas. Hindi ko maiwasan ang paulit-ulit na isipin ang babaeng iyon.She's different.Hindi tulad ng ibang babae na nakilala ko sa high society, sa mga parties at social gatherings. Hindi siya elegante, hindi magara, pero may kakaibang aura. Parang hindi siya nagpapanggap, hindi takot sa sarili niyang kahirapan, at kahit nai-humiliate, may tapang na bumangon.Ramdam ko ang kakaibang tensyon, parang may magnet na humihila sa akin sa kanya. Ang kanyang simplicity, ang tapang, at kahit ang pagiging stubborn niya… lahat ng iyon, naiiba.Kinaumagahan, habang nag-aalmusal ako sa dining room, lumapit si Mommy.“Nathaniel, kailangan mong pumunta sa blind date ng anak ng business partner natin,” malakas at determined ang boses niya. “Kailangan ninyong makilala ang isa’t isa. Family expectations, Nathaniel.”Napatingin ako sa kanya. Again?Sawa na ako sa paulit-ulit na matchmaking ni Mommy para sa busines

  • From Basurera to CEO'S Wife    Chapter 4 – Sa Gitna ng Katahimikan

    Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaupo sa likod ng villa, umiiyak habang yakap ang sarili ko. Ang alam ko lang, unti-unti nang humina ang ingay sa loob. Wala na ang malalakas na tawanan, wala na ang tugtugan, wala na ang mga bisitang kanina lang ay parang mga hari at reyna ng mundo.Nang tuluyan nang tumahimik ang paligid, pinahid ko ang mga luha ko.“Trabaho pa rin,” bulong ko sa sarili ko. “Hindi ka pwedeng huminto.”Tumayo ako at pumasok muli sa loob ng villa.Ang gulo.Basag na baso, mga bote ng alak, pinagkainan sa kung saan-saan, mga napkin sa sahig, at amoy ng mamahaling pabango na humalo sa alak. Tahimik na ang lugar, pero ramdam pa rin ang bigat ng nangyari kanina.Tahimik akong nagligpit. Pinipilit kong huwag nang isipin ang humiliation na naranasan ko. Bawat pulot ko ng basura, para bang pinupulot ko rin ang pira-piraso ng dignidad ko.Habang abala ako, biglang may pumasok.Narinig ko ang yabag ng sapatos sa marmol na sahig.Napahinto ako.Pag-angat ko ng ulo, siya

  • From Basurera to CEO'S Wife    Chapter 3 – Sa Ilalim ng Mga Ilaw

    Bago pa man ako makapulot ng kahit isang piraso ng basura, pinatawag muna kami sa loob ng villa.“Waitress muna kayo,” sabi ng isang staff, sabay abot ng mga uniform.Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isinuot ko. Maiksi. Sobrang iksi. Manipis ang tela, hapit sa katawan, at halos kita ang hita ko. Hindi ako sanay. Hindi ako komportable. Pakiramdam ko, hubad na hubad ako sa paningin ng lahat.“Okay ka lang?” tanong ng isa sa mga kasama ko.Lima kaming babae. Halos magkakaedad lang. Yung iba, halatang kinakabahan… may nanginginig ang kamay, may nakayuko, may halos maiyak na.“Bakit?” mahina kong tanong.Hindi agad siya sumagot. Ngumuso lang siya at itinuro ang isang direksyon.Napatingin ako roon.At doon ko siya nakita.Ang mayabang na lalaki… naka-akbay sa isang magandang babae. Maputi, makinis ang balat, eleganteng nakasuot ng gown na parang artista. Nakangiti siya, tila sanay sa atensyon, habang ang lalaki ay bahagyang nakayuko sa kanya, parang siya lang ang mundo nito.Bigl

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status