Home / Romance / From Basurera to CEO'S Wife / Chapter 2 – Ang Presyo ng Kahirapan

Share

Chapter 2 – Ang Presyo ng Kahirapan

Author: Mooncaster
last update Last Updated: 2026-01-17 21:54:30

Pagod ang buong katawan ko habang pauwi ako, hinihila ang kariton na halos wala nang laman. Mabigat ang mga paa ko, parang ayaw nang gumalaw, pero kailangan. Kailangan kong umuwi na may dalang kahit konting pera o makakain man lang.

“Konti na lang, Lira,” bulong ko sa sarili ko. “Makakaipon ka rin.”

Pero parang laging may plano ang mundo na ipaalala sa’kin kung gaano ako kababa.

“HOY!”

Bigla akong napahinto nang may sumugod sa harapan ko. Halos mabitawan ko ang kariton sa gulat.

“Aling Rosa…” mahina kong sambit nang makita ko ang babaeng nakapamaywang sa harap ko, galit na galit ang mukha, namumula ang mga mata.

“Hanggang ngayon wala ka pa ring bayad?!” sigaw niya. “Ilang buwan na ang utang niyo sa’kin, ha?!”

“N-nanayaw po ako, Aling Rosa,” mabilis kong sabi, pilit pinapakalma ang boses ko kahit nanginginig ang tuhod ko. “Nag-iipon po ako. Pwede po bang… isang buwan pa? Isang buwan lang po, magbabayad na po talaga ako.”

“Isang buwan?” Sarkastiko siyang tumawa. “Ilang ‘isang buwan’ na ang narinig ko sa’yo, ha?!”

Tumahimik ako. Wala na akong maisagot. Totoo naman. Lagi akong nangangako. Lagi ring kulang.

Bigla niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Mabagal. Mapanghusga. Parang sinusukat ang bawat pulgada ng pagkatao ko.

“Hmmm…” sabi niya, nakangising hindi maganda ang ibig sabihin. “Maganda ka pala. Matangkad. Sexy.”

Nanlamig ang batok ko.

“May trabaho akong ibibigay sa’yo,” dagdag niya.

“N-nap-po?” nautal kong tanong. Biglang kumabog ang dibdib ko. “A-anong trabaho po?”

“Wag kang mag-alala,” sabi niya sabay tawa. “Bagay na bagay sa’yo. Tutal, basurera ka naman, ‘di ba?”

Napakagat ako sa labi.

“Pumunta ka sa address na ’to,” sabay abot ng papel. “May party sa villa na ’yan mamaya. Pagkatapos ng party, maraming basura. May-ari ng villa naghahanap ng taga-linis, taga-pulot ng basura.”

Huminto siya sandali, saka muling ngumisi.

“At waitress ka rin.”

Napailing ako agad. “Hindi po. Pasensya na po, hindi ko po kaya…”

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong sinabunutan.

“Aray!” Napasigaw ako, napahawak sa ulo ko.

“Wala kang karapatang tumanggi!” sigaw niya. “Kinuha ko na ang unang sweldo mo bilang bayad sa utang niyo! Kaya wala kang choice!”

“Aling Rosa… please…” nangingiyak kong sabi.

“Kung ayaw mong mapalayas kayo sa tinitirhan niyo, pupunta ka,” malamig niyang sabi bago ako bitawan.

Nang makaalis siya, nanginginig akong napaupo sa gilid ng kalsada. Gusto kong umiyak. Gusto kong sumigaw. Pero wala akong magawa.

Wala na akong pagpipilian.

Gabi na nang makarating ako sa address na nasa papel.

Napahinto ako sa paglalakad.

“Grabe…” bulong ko.

Sa harap ko, isang napakalaking villa ang nakatayo. Maliwanag ang mga ilaw, may mga mamahaling sasakyan, at may mga taong elegante ang suot na naglalakad papasok. Parang ibang mundo.

“Anong ginagawa ko dito…” mahina kong sabi sa sarili ko.

Huminga ako nang malalim at pumasok.

Habang naglalakad ako sa gilid ng hardin, hawak ang maliit kong bag, bigla akong napatigil.

Siya.

Ang mayabang na lalaking natapunan ko ng basura.

Nakatayo siya roon, naka-formal suit, mas lalo pang intimidating kaysa noong una. Nang magtagpo ang mga mata namin, kumunot ang noo niya.

“You again?” malamig niyang sabi. “What are you doing here?”

Naramdaman ko ang inis na biglang sumiklab sa dibdib ko. Pero hindi ko ipinakita. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

“Trabaho,” maikli kong sagot.

“Work?” Bahagya siyang ngumisi, tila hindi naniniwala. “Here?”

“May problema ba?” diretso kong sabi, kahit kabado ako sa loob. “Wala kang pakialam. Nandito ako para magtrabaho.”

Tila nagulat siya sa sagot ko. Ilang segundo niya lang akong tinitigan, parang sinusuri ang tapang ko.

“Interesting,” sabi niya, nakangiting may kakaibang ibig sabihin. “Let’s see.”

Tumalikod siya, pero bago tuluyang lumakad palayo, bahagya siyang huminto.

“Try not to spill trash this time,” dagdag niya, halatang nang-aasar.

Napapikit ako sandali, pinipigilan ang galit.

“Bwisit na mayabang,” bulong ko.

Hindi ko alam kung bakit, pero may masama akong pakiramdam. Parang ang gabing ‘to ay hindi lang basta trabaho.

At ang lalaking ‘yon…

Pakiramdam ko, hindi ito ang huli naming pagkikita.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • From Basurera to CEO'S Wife    Chapter 8 – Ang Babaeng Ayaw Nilang Tanggapin

    Nathaniel’s POV“Seriously, Nathaniel?!”Bumangga sa pader ang sigaw ni Mom kasabay ng paghagis niya ng folder diretso sa mukha ko. Hindi ko man lang naiwasan… bumagsak iyon sa sahig, bumukas, at kumalat ang mga papel. Mga litrato. Background check. Address. Trabaho.Lahat tungkol kay Lira.Tahimik lang akong nakatayo habang nanginginig sa galit ang kamay ni Mom. Kita ko sa mga mata niya ang pagkadismaya, parang may nag-crack na salamin sa perpektong mundo niya.“Sa dami-dami ng babae sa mundo, bakit sa isang hampaslupa pa talaga?!” sigaw niya.“The lowest of the low, Nathaniel! A garbage collector? A basurera?!”Huminga siya nang malalim, parang nauubusan ng hangin sa sobrang galit.“My God, son… what happened to you?” nangingilid ang luha niya pero hindi dahil sa sakit… kundi sa kahihiyan.“Hindi kita pinalaki para lang mapunta ka sa isang basura.”Dahan-dahan akong yumuko at pinulot ang mga papel. Isa-isa. Parang sinasadya kong patagalin. Hindi ko alam kung bakit, pero habang tinit

  • From Basurera to CEO'S Wife    Chapter 7 – Ang Kasunduang Hindi Ko Inasahan

    Lira’s POVHindi pa rin mawala sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Nathaniel sa alley… maging asawa ko. Parang sirang plaka na paulit-ulit na tumutunog sa utak ko habang naglalakad pauwi, hinihila ko ang cart na puno ng basura. Ang bigat ng hangin, ang bigat ng mundo, at lalong mabigat ang dibdib ko. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o maiinis. Sino ba siya para mag-alok ng gano’n? At sino ba ako para tanggihan agad kung alam kong kailangan ko ng pera para sa kapatid ko?Pagdating ko sa inuupahan naming maliit na kwarto, nadatnan ko si Marco na nakahiga, pawisan at namumutla. Kumirot ang puso ko. Lumapit ako at pinunasan ang noo niya. “Ate,” mahina niyang tawag, pilit na ngiti. Doon ko naramdaman ang sagot sa tanong ko… kahit gaano ka-absurdo ang alok ni Nathaniel, may dahilan kung bakit ako natigilan.Kinabukasan, maaga akong tinawagan ni Nathaniel. Hindi ko alam kung bakit ako sumagot. Siguro dahil sa sobre. Siguro dahil sa mga mata niya kahapon… seryoso, walang halong biro. “Me

  • From Basurera to CEO'S Wife    Kabanata 6 – Ang Alok na Hindi Ko Inasahan

    Lira’s POVHindi ko alam kung malas lang ba talaga ang araw na ’yon o sadyang sinusubok ako ng tadhana, pero sa mismong alley kung saan araw-araw akong naghahakot ng basura, doon ko ulit siya nakita.Si Nathaniel.Nakatayo siya sa gilid ng eskinita na parang hindi nababagay sa lugar. As usual, naka-porma, maayos ang buhok, suot ang mamahaling damit na halatang hindi kailanman dumampi sa dumi ng mundo. May halong arrogance ang tindig niya… ’yung tipong sanay siyang sinusunod, sanay siyang nasa itaas.Saglit akong natigilan, pero mabilis ko ring binalewala ang presensya niya. Wala akong panahon sa mga katulad niya. Yumuko ako at binuhat ang garbage bag para ilagay sa cart ko.“Lira.”Hindi ko siya pinansin.Binuhat ko ang isa pang sako ng basura, pero bago ko pa maitulak ang cart, bigla niyang hinawakan ang braso ko.Napalingon ako, inis na inis.“Ano ba kailangan mo?” mataray kong tanong habang pilit kong inaalis ang kamay niya.Hindi siya agad sumagot. Sa halip, may iniabot siyang sob

  • From Basurera to CEO'S Wife    Chapter 5 – Isang Hindi Inaasahang Iniisip

    Nakaupo ako sa aking kwarto, nakatingin sa bintana, pero ang isip ko, wala sa tanawin sa labas. Hindi ko maiwasan ang paulit-ulit na isipin ang babaeng iyon.She's different.Hindi tulad ng ibang babae na nakilala ko sa high society, sa mga parties at social gatherings. Hindi siya elegante, hindi magara, pero may kakaibang aura. Parang hindi siya nagpapanggap, hindi takot sa sarili niyang kahirapan, at kahit nai-humiliate, may tapang na bumangon.Ramdam ko ang kakaibang tensyon, parang may magnet na humihila sa akin sa kanya. Ang kanyang simplicity, ang tapang, at kahit ang pagiging stubborn niya… lahat ng iyon, naiiba.Kinaumagahan, habang nag-aalmusal ako sa dining room, lumapit si Mommy.“Nathaniel, kailangan mong pumunta sa blind date ng anak ng business partner natin,” malakas at determined ang boses niya. “Kailangan ninyong makilala ang isa’t isa. Family expectations, Nathaniel.”Napatingin ako sa kanya. Again?Sawa na ako sa paulit-ulit na matchmaking ni Mommy para sa busines

  • From Basurera to CEO'S Wife    Chapter 4 – Sa Gitna ng Katahimikan

    Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaupo sa likod ng villa, umiiyak habang yakap ang sarili ko. Ang alam ko lang, unti-unti nang humina ang ingay sa loob. Wala na ang malalakas na tawanan, wala na ang tugtugan, wala na ang mga bisitang kanina lang ay parang mga hari at reyna ng mundo.Nang tuluyan nang tumahimik ang paligid, pinahid ko ang mga luha ko.“Trabaho pa rin,” bulong ko sa sarili ko. “Hindi ka pwedeng huminto.”Tumayo ako at pumasok muli sa loob ng villa.Ang gulo.Basag na baso, mga bote ng alak, pinagkainan sa kung saan-saan, mga napkin sa sahig, at amoy ng mamahaling pabango na humalo sa alak. Tahimik na ang lugar, pero ramdam pa rin ang bigat ng nangyari kanina.Tahimik akong nagligpit. Pinipilit kong huwag nang isipin ang humiliation na naranasan ko. Bawat pulot ko ng basura, para bang pinupulot ko rin ang pira-piraso ng dignidad ko.Habang abala ako, biglang may pumasok.Narinig ko ang yabag ng sapatos sa marmol na sahig.Napahinto ako.Pag-angat ko ng ulo, siya

  • From Basurera to CEO'S Wife    Chapter 3 – Sa Ilalim ng Mga Ilaw

    Bago pa man ako makapulot ng kahit isang piraso ng basura, pinatawag muna kami sa loob ng villa.“Waitress muna kayo,” sabi ng isang staff, sabay abot ng mga uniform.Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isinuot ko. Maiksi. Sobrang iksi. Manipis ang tela, hapit sa katawan, at halos kita ang hita ko. Hindi ako sanay. Hindi ako komportable. Pakiramdam ko, hubad na hubad ako sa paningin ng lahat.“Okay ka lang?” tanong ng isa sa mga kasama ko.Lima kaming babae. Halos magkakaedad lang. Yung iba, halatang kinakabahan… may nanginginig ang kamay, may nakayuko, may halos maiyak na.“Bakit?” mahina kong tanong.Hindi agad siya sumagot. Ngumuso lang siya at itinuro ang isang direksyon.Napatingin ako roon.At doon ko siya nakita.Ang mayabang na lalaki… naka-akbay sa isang magandang babae. Maputi, makinis ang balat, eleganteng nakasuot ng gown na parang artista. Nakangiti siya, tila sanay sa atensyon, habang ang lalaki ay bahagyang nakayuko sa kanya, parang siya lang ang mundo nito.Bigl

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status