Lira’s POVHindi ko alam kung kailan nagsimulang maging ganito ka-komplikado ang lahat.Dati, simple lang ang buhay ko. Trabaho. Basura. Survival. Walang oras para sa feelings.Pero ngayon…Nandito ako sa campus, hawak ang mga libro ko, sinusubukang bumalik sa pangarap ko…Habang si Nathaniel, isang lalaking dapat ay malayo sa mundo ko, unti-unting nagiging parte ng bawat araw ko.At mas nakakalito…Dahil siya mismo, hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya.Paglabas ko ng classroom, sinalubong ako ni Ethan.“Hey, Lira! Ready ka na ba sa quiz mamaya?” tanong niya, nakangiti.Napatawa ako ng mahina. “Hindi pa nga ako sanay ulit mag-aral, quiz agad.”“Don’t worry,” sabi niya. “Tutulungan kita.”Naglakad kami papunta sa hallway, nag-uusap tungkol sa subjects, tungkol sa professors, tungkol sa normal na college life.Normal sana.Hanggang sa naramdaman ko ulit…Yung bigat ng tingin.Paglingon ko…Nandoon si Nathaniel.Naka-suit pa rin, seryoso ang mukha, parang hindi bagay sa campus
Read more