Kinabukasan sa campus, ramdam ni Lira ang bigat ng nakaraang gabi. Hindi niya matanggal sa isip ang eksena sa harap ng ina ni Nathaniel at ang punit na cheque. Kahit gaano pa siya nagtatangkang maging matatag, alam niyang marami pa ring taong nakatingin sa kanya bilang basurera, isang babae na hindi bagay sa mundo ng mayayaman.Naglakad siya papasok ng campus, simple lang ang suot.. white blouse at jeans, buhok niya ay nakalugay, medyo kulot ang light brown hair niya. Halos lahat ng mata ay nakatingin sa kanya, some were whispering, some were smiling, others were curious. Pero instead na mahiya, pinilit niyang itaas ang ulo at maglakad nang diretso, pakiramdam niya ay unti-unting lumalakas ang loob niya.Habang naglalakad siya sa courtyard, napansin niyang nagtipon ang mga estudyante. Halatang may binabalak na panlilibak, ngunit pinili ni Lira na manindigan. Hindi siya bababa sa sarili niya, kahit anong sabihin ng iba.At doon, sa gitna ng grupo, si Camille ay naglakad na nakangiti,
Last Updated : 2026-02-15 Read more