Kinabukasan matapos ang mahabang gabi, maagang dumating si Marcus sa kumpanya ni Nathaniel. May kakaiba siyang pakiramdam mula pa kahapon. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, pero parang may mali.Pagpasok niya sa lobby ng kumpanya, diretso siyang nagtanong sa receptionist.“Is Lira here today?” tanong niya.Napailing ang receptionist. “Wala pa po siya, sir.”Napakunot ang noo ni Marcus.Karaniwan, kahit hindi sila nagkikita, nakikita niya ang pangalan ni Lira sa attendance system ng kumpanya dahil madalas itong pumasok nang maaga.“Okay,” maikli niyang sagot bago siya tumuloy sa elevator.Pagdating niya sa office ni Nathaniel, nadatnan niya itong nakaupo sa swivel chair habang may hawak na coffee.“Marcus,” sabi ni Nathaniel nang makita siya. “What brings you here this early?”“Hinahanap ko si Lira,” diretsong sagot ni Marcus. “Wala siya sa office.”Sandaling natahimik si Nathaniel.“She texted me last night,” sabi nito. “May kailangan daw siyang asikasuhin. Baka matatagalan siyang u
Last Updated : 2026-03-14 Read more