Sobrang nanigas si Kasumi nang marinig ang sinabi ng anak niya. Akala niya, guni-guni lang yun pero nang lumingon siya kay Cohen ay nanlalaki rin ang mga mata ng lalaki."Cohen, t-tama ba ang narinig ko? Si Kira ba ang nagsalita nun?"Mabilis na binuhat ni Cohen si Kira at hinalikan ang matambok nitong pisngi. "Baby, sige nga, sabihin mo ulit 'Papa'."Pero hindi kay Cohen nakatingin si Kira. Ang itim at makinang nitong mga mata ay nakapako lang sa TV screen kay Aslan..Binuka ulit ng bata ang bibig at sa pagkakataong ito, mas malinaw at mas matinis.“PA-PA.”Biglang bumagsak ang luha ni Kasumi, sa wakas! Matapos ang ilang taon, narinig na niya ang boses ng anak. Niyakap niya nang mahigpit si Kira at napahagulhol sa tuwa. "Baby... sabihin mo naman 'Mama'. Sige na, tawagin mo si Mama."Pero itinikom lang ni Kira ang bibig at tumingin lang sa kanya.Kahit hindi siya tinawag na 'Mama', hindi mapawi ang ngiti ni Kasumi. "Cohen, gumana ang method natin! Ang laki ng tulong ng environment n
Dernière mise à jour : 2026-02-10 Read More