Masuk"Alam mo bang severe depression na ang sakit ni Kasumi simula nung mamatay ang parents niya? Matagal bago siya naka-recover pero nung dumating ka, naging masaya siya. Akala niya ikaw na ang happy ending niya."Lumapit si Cohen at dinuro-duro ang dibdib ni Aslan."Binigay niya ang buhay niya sa'yo at kay Akiro. Pero anong ginawa niyo? Tinapon niyo siya na parang isang basura. Ang panloloko niyo ang nagpabalik sa depression niya’t mas malala na ito keysa dati."Nanigas si Aslan."Naging paranoid siya, Aslan. Araw-araw siyang nakatakot. Akala niya lahat ng tao sasaktan siya. Alam mo ba nung buntis siya kay Kira, muntik na niyang ipalaglag ang bata."Nanlaki ang mata ni Aslan. "A-Ano?""Takot na takot siya, Aslan. Natatakot siya na kapag lumabas si Kira, iiwan din siya nito at sasaktan gaya ng ginawa ni Akiro sa kanya. Ayaw na niyang magmahal kasi takot na siyang maiwan. MAIWAN NG MAG-ISA.""Kaya kita tinatanong, paano mo nagawang sirain ang babaeng puno ng pangarap at pagmamahal sa’yo? A
Napailing si Aslan at hindi makapaniwala sa sinabi ng doktor. "Imposible iyon, Dok."Nanginginig ang mga kamay habang nakakuyom. "Kilala ko si Kasumi, masayahin siya. Optimistic kumbaga. Nung buntis siya kay Akiro, kahit alam niyang delikado dahil sa sakit niya sa dugo, hindi siya natatakot. She was brave. Paano siya magkakaroon depression? Paanong magiging suicidal siya?@ Pilit niyang kinukumbinsi si Dr. Casper pati na ang sarili niya. Pero habang binibigkas niya ang mga salitang 'yun, unti-unti ring nauubos ang tapang niya sa katawan.Sino ba ang niloloko niya?Alam niya ang mukha ni Kasumi nung iwan niya ito.Wasak at durog na durog. Para itong isang mamahaling vase na nabasag sa sahig. Iniwan ito ng asawang mahal nito. Itinakwil pa ng lalaking anak at higit sa lahat, nasira ang kamay na bumubuhay sa pangarap nito.Sino ba naman ang hindi mababaliw sa ganung sitwasyon?Parang may bumabaril sa dibdib ni Aslan sa mga oras na yun.Para lang mailigtas si Margareth sa depression, hin
Nagsimula ang therapy session ni Kira. Sa tulong ni Dr. Casper, unti-unting naging komportable si Kira sa mga taong nakakasalamuha at sa paligid niya. Naglaro na ito at ngumingiti na."Kira, kung makakapagsalita ka na ng tuloy-tuloy, Sino ang una mong tatawagin?"Natahimik ang lahat.Dahan-dahang lumingon si Kira.Hindi kay Cohen.Hindi kay Kasumi.Kundi sa lalaking nakatayo sa balcony, nanonood sa kanila mula sa malayo.Tinitigan niya si Aslan at sa malinaw at malambot na boses, nagsalita ang bata."Papa."Nang marinig ni Aslan ang salitang "Papa" mula kay Kira parang tumigil ang mundo niya.“Did she just call me Papa?”Bumilis ang tibok ng puso niya. Lumapit siya agad sa bata at lumuhod para magpantay sila. Nanginginig ang kamay niyang hinaplos ang pisngi nito."Kira," bulong niya. "Sino ang tinatawag mo?"Kinabahan naman si Kasumi, gusto niyang hilahin ang anak palayo pero alam niyang lalo lang maghihinala si Aslan kapag nag-panic siya. Kaya pinili niyang ngumiti na lang kahit sa l
"Kamusta 'yung Math problems na binigay ko sa'yo?" tanong ni Kasumi kay Akiro. Agad na nawala ang pagiging awkward ng bata. Pagdating sa academics, ibang level ang confidence talaga nito. Inilabas ng bata ang notebook mula sa bag niya at inabot kay Kasumi nang may pagmamalaki."Binigyan mo po ako ng twenty items," taas-noong sabi nito. "Nasagutan ko po ang fifteen at guaranteed ako, perfect ang fifteen na 'yun. So, 'yung deal po natin, 'wag mong kakalimutan."Binuklat ni Kasumi ang notebook.Nanlaki ang mga mata niya. Grabe! Ang mga questions na 'to ay pang-Grade 5 at Grade 6 level na pero si Aki na Grade 2 pa lang ay nasagutan ang karamihan ng tama. Hindi mapigilan ni Kasumi na makaramdam ng pagmamalaki sa anak. Pero kailangan niyang maging objective. Tinignan niya si Aki ng seryoso."Magaling," puri niya. "Pero huwag kang maging mayabang. Ang Math Tinik ay hindi nadadaan sa pagso-solve ng ilang problems lang. Marami ka pang makakaharap na mas mahirap doon. Kailangan mong maging hu
Buong gabi siyang nanatili sa basement, yakap-yakap ang sketchpad ni Kasumi habang umiiyak na parang bata. Hindi na nga rin niya namalayan na nakatulog na pala siya sa kakaiyak. Kinabukasan, tumunog ang phone niya. Mabilis naman niya itong sinagot kahit kakagising pa lang. "Sir, lumabas na po ang result ng DNA test."Natigilan si Aslan, hindi niya alam pero nagsimulang kumabog ng malakas ang kanyang dibdib. Huminga siya ng malalim bago sumagot."Sabihin mo related ba kami ni Kira? Anak ko ba siya?""Sir..."Naghintay si Aslan. Para bang lalabas na ang puso niya sa sobrang kaba. "Negative po. Ayon po sa result, hindi po si Kira ang anak niyo. Kayo ni Kira ay hindi related sa isa’t-isa.” Napatayo si Aslan mula sa kanyang upuan nang marinig ang balita."Wait, hindi ko anak si Kira?" nanginginig na tanong niya ulit sa assistant niya. Umiling naman ang assistant. "Sir, ayon sa report, negative po ang DNA test. Wala kayong biological relationship kay Kira."Kumunot ang noo ni Aslan. "I
Pagkarinig ni Margareth sa banta ni Aslan na hihiwalayan siya nito, agad siyang napaluhod at napahagulhol."Aslan, I'm sorry! Maling-mali ako sa nagawa ko kay Kasumi. Sige tatanggapin ko ang parusang ibibigay mo sa akin pero 'wag mo naman sana akong hiwalayan!"Kumapit pa siya sa pantalon ni Aslan habang basang-basa ng luha ang mukha. "Dahil sa pagligtas ko sa'yo noon, nawalan na ako ng kakayahang magkaanak. Sinong lalaki pa ang tatanggap sa akin? Kapag iniwan mo ako, mas mabuti pang mamatay na lang ako!"Nang marinig ito ni Aslan, humigpit ang hawak niya sa kanyang kamao.Tanginang utang na loob! Ito ang kadenang nakapulupot sa leeg niya. Ito ang dahilan kung bakit niya iniwan si Kasumi noon.Sana siya na lang ang nasugatan. Sana siya na lang ang napilay. Mas gugustuhin pa niyang maging baldado kaysa magkautang na loob sa babaeng 'to.Pumikit siya ng mariin saka tiningnan ng malamig ang dalaga. "Margareth, si Kasumi muntik nang mamatay sa panganganak kay Akiro. Para protektahan ang







