Share

Kabanata 34

Author: Gia Maezy
last update Last Updated: 2026-02-21 15:51:11

Napaangat ng tingin si Kasumi. Ang malalalim at madidilim na mata ni Aslan ang bumungad sa kanya. Sa oras ng peligro, nakalimutan niya saglit ang galit at sakit na nararamdaman niya para sa lalaki.

"Tumawag ka ng pulis! Masasamang tao sila, Aslan!" utos niya, sabay turo sa likod nila.

Ito ang unang beses na humingi siya ng tulong kay Aslan. Biglang nawala ang malamig na pader na nakaharang sa kanilang dalawa. Agad na hinaplos ni Aslan ang buhok ni Kasumi, upang kumalma. "Huwag kang matakot, Ka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 41

    Sa kabilang banda, buhat-buhat pa rin ni Aslan si Kira. Tumingin lamang ng masama si Aslan kay Akiro. "Akiro," mariing tawag niya sa anak. Pero bago pa siya makapagbitaw ng salita, sumingit na naman si Margareth."Aslan, please. Huwag dito, umuwi na lang tayo. Tingnan mo basang-basa na si Aki, baka magkasakit siya."Tumingin si Aslan kay Kasumi at kay Kira. Gusto niyang manatili, gusto niyang siguraduhin na okay lang sila. Pero nakita niya ang galit sa mata ni Cohen at ang pag-iwas ni Kasumi sa kaniya. Alam niyang wala na siyang lugar para roon."Umuwi na tayo," malamig na utos ni Aslan.Bago umalis, lumingon siya kay Kasumi saka nagsalita. "Magpapadala ako ng doktor para i-check si Kira.""Hindi na kailangan," putol ni Cohen sa kanya. "May sarili kaming doktor dito. Kami na ang bahala sa anak namin."Tumalikod si Aslan, bitbit ang bigat na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Kasama niya si Margareth na lihim na nakangisi at si Akiro na tahimik na lumuluha habang hila-hila ng baba

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 40

    Umupo siya sa tabi ni Kira, pagkakita sa kanya ng bata, tuwang-tuwa ito. Umakyat ito sa lap ni Aslan at umupo ng komportable. Tinuro ni Kira ang hipon sa mesa, tapos tinuro iyon sa bibig nito. Agad namang sinunod ni Aslan ang ibig ipahiwatig ng bata sa kanya. Agad niyang binalatan ng hipon si Kira, tinanggal ang ulo nito at sinubuan ang bata. Kinagat ni Kira ang kalahati, tapos inilapit ang natirang kalahati sa bibig ni Aslan."Kira!" saway ni Kasumi. "Hindi ganyan! Nakain mo na iyan, Baby! Don't give it to others! Halika nga rito!"Pero imbes na mandiri, kinain ni Aslan ang tirang hipon ni Kira.Napanganga ang lahat.Si Aslan? Ang kilalang maarte at ayaw magpahawak sa iba, kinain ang tira-tira ng bata?!Namangha ang matandang Takahashi, "Grabe, Aslan! Nagbago ka na talaga! Dati ang arte-arte mo, iba tlaga kapag nagiging tatay na!"Tumingin si Aslan kay Kasumi. "Kumpara sa hirap ng nanay niya nung pinanganak siya, wala lang naman ito."Natigilan si Kasumi. Alam niya ang ibig sabih

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 39

    Kilala si Aslan bilang isang malamig at walang pusong businessman pero ngayon, sa harap ng batang babae, lumuhod siya para magpantay ang mga mata nila.Tinuro niya ang dessert table na puno ng desserts."Kira," malambing niyang tawag. "Gusto mong kumain ng cake? Samahan ka ni Tito."Nang marinig ni Kira na inaya ito ni Aslan biglang nagningning ang mga mata ng bata. Sa isip ng bata, “Kakain ako ng cake at makakasama ko pa si Papa!”Agad niyang hinawakan ang malaking kamay ni Aslan at hinila ito, atat na atat nang pumunta sa mesa. Nakita ito ni Kasumi kung kaya’t agad siyang kinabahan."Kira!" tawag niya, halatang nagpa-panic. "Huwag kang kung saan-saan sumasama. Halika rito sa Mama."Tumingin si Aslan kay Kasumi. "Hindi ba busy kayo ni Cohen sa pagpaplano ng kasal niyo?" sarkastiko tanong ng lalaki. "Hayaan mo na muna siya sa akin. Wala naman akong ginagawa, ako na muna ang magbabantay sa kanya."Bago pa makasagot si Kasumi, binuhat na ni Aslan si Kira at naglakad palayo papunta sa mg

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 38

    Sa Mansyon ng mga Takahashi. Grandiosong birthday party ang pinagdiriwang ng Lolo ni TJ. Maraming bisita ang dumalo pero puro naman pagpapa-plastikan ang mga ginagawa nito. Pagbaba ni Aslan sa sasakyan, sinalubong siya agad ni TJ Takahashi. Naka-gray suit ito at may nakakalokong ngisi sa labi."Oh, Mr. Anderson! Solo flight ka ata ngayon?" bati ni TJ Takahashi sa kanya. "Nasaan na 'yung maganda mong sekretarya? Ay, oo nga pala! Four years ago na pala siyang nag-resign sa kompanya mo. Sorry, makakalimutin na ako. Dapat 'yung fiancée mo ang kasama mo ngayon, 'di ba? Pero teka, bakit parang never ko pa kayong nakitang magkasama sa public events?"Nag-igting ang panga ni Aslan. Mabilis niyang hinablot ang kwelyo ni TJ Takahashi."TJ Takahashi," madiin niyang bulong, "Four years ago, may nanakit kay Kasumi para makuha ang project proposal ko. Kapag nalaman kong ikaw ang may pakana noon, sisiguraduhin kong babagsak ang buong pamilya mo."Ngumisi lang si TJ Takahashi, hindi man lang natin

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 37

    Kinabukasan, pagbaba ni Kasumi at Kira sa apartment, may nakita silang pamilyar na sasakyan. Bumungad sa kanila si Aslan na nakasandal sa kotse nito. Naka-all black ang lalaki, magulo ang buhok, gusot-gusot ang damit at mukhang hindi natulog ito. Nakabukas pa nga ang ilang butones ng polo nito kung kaya’t kitang-kita ni Kasumi ang collarbone na dating gustong-gusto niyang halikan. Pagkakita sa kanila ng lalaki, agad nitong tinapon ang sigarilyo at lumapit sa kanila.Ang mga mata nito ay nakatingin lamang sa kanya, kita niya ang sakit, pagsisisi at lungkot dito. "Kasumi," tawag nito sa kanya. "May kailangan ka, Mr. Anderson?" malamig na tanong niya sa lalaki. Hindi sumagot si Aslan. Sa halip, bigla na lang nitong niyakap siya ng mahigpit at si Kira.Sobrang higpit noon na parang takot na takot itong mawala sila. Binaon ng lalaki ang mukha nito sa leeg ni Kasumi kung kaya’t naramdaman niya ang panginginig ng lalaki. "Kasumi... I'm sorry."Isang simpleng salita pero nanggaling sa k

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 36

    Nanginginig ang buong katawan ni Aslan habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamao ng lalaki. Paulit-ulit na umiikot sa utak niya ang katotohanang si Kasumi ang nawalan ng pangarap at nasira ang kamay nito sa kanya. Pero siya? Iniwan niya si Kasumi dahil lang sa balbadong paa ni Margareth.Ang laki niyang gago kung tutuusin. Nanginginig ang kamay niyang dumukot ng sigarilyo sa bulsa. Sinubukan niyang sindihan pero ayaw sumindi ng lighter. Kahit anong gawin niya, hindi niya makuha ang tamang tiyempo dahil sa panginginig ng kamay niya.Nakita ito ni Anton kung kaya’t kinuha ng kaibigan niya ang lighter at sinindihan ang yosi niya. Tinapik siya nito sa balikat."Aslan," seryosong sabi ni Anton. "Alam kong mahirap lunukin ang katotohanan. Pero nangyari na ang lahat. Wala na tayong magagawa pa, ang pwede mo na lang gawin ngayon, hanapin ang mastermind at ipaghiganti si Kasumi."Humithit nang malalim si Aslan. "Ako ang may kasalanan nito, ako ang sumira sa kanya.” Kung hindi dahil sa kanya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status