Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“Hindi naman kailangan,” saad ko bigla nang maproseso ko kaagad ‘yon.Nakagugulat naman kasi. Hindi naman niya kailangang sabihan ang mga tauhan niya na bumili ng mga kakailanganin para lang masunod ang gusto ko.Ayos naman na sa akin ‘yong kakain kami sa labas—‘yong hihintayin naming maluto ‘yon, habang pinanonood ang ganda ng langit, dagat, at buhangin kasabay ng paglanghap ng hangin.Ayaw ko rin namang mabusog kami sa kaaamoy ng iniihaw namin, eh. Kasi kung gagawin namin ‘yon, hindi namin mauubos ang pagkain namin.“Bibili na lang tayo. ‘Yong naihaw na kaysa ‘yong tayo pa ang mag-iihaw,” saad ko, dahil maraming preparation pa ang kailangan.“Why not? Para masiguro nating malinis ang kinakain mo, at matimpla nang maayos ang gusto mong lasa,” aniya na para bang wala siyang pakialam sa paglilinis ng bituka ng manok.Bumuga na lamang ako ng hangin, at hindi na nagsalita pa. Kahit kasi gusto kong sabihin sa kaniya na ayos lang naman, wala naman ako
더 보기