Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“Nakailang buntong-hininga ka na,” puna niya, habang nagsusuklay ako ng aking buhok.Nasa bathroom ako ngayon, at napatutuyo ng aking buhok. Katatapos ko ring maligo, dahil ilang minuto rin ang itinagal ng panenermon sa akin ni Mommy.“Sorry,” saad ko naman, at napalingon na lamang sa kaniya. “May iniisip lang.”“Uh-huh? Care to share?”Tumigil na siya ngayon sa pagpipirma, at nakatingin na lang sa akin ngayon. Ibinaba niya ang hawak niyang ball pen, at tinaasan ako ng kilay.“What is it?”Nakasuot siya ngayon ng business attire niya. Itim nga lang ‘yon, at parang naka-gel din ang kaniyang buhok. ‘Yong tipong wala man lang nahuhulog na hibla ng kaniyang buhok sa kaniyang noo.Humaba naman ang aking nguso, dahil talagang gusto niyang malaman kung ano ang bumabagabag sa aking isipan ngayon.Pero kasi, ‘yon pa rin naman ang problema ko, eh. ‘Yong mga desisyon ko sa bu
Read More