Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“Mom,” tawag ko kay Mommy nang makarating ako sa garden.Natagpuan ko siyang nagbubungkal ng lupa, at inilalagay ‘yon sa malalaking paso.Ang mga halaman naman na binili niya ay nakahilera mula sa iba’t ibang klase ng size, at halaman.Nakakunot ang aking noo, habang nakatitig lamang sa mga order ni Mommy.“Talagang bumili ka ng mga halaman, Mom?” tanong ko sa kaniya, dahil hindi talaga ako makapaniwala.Napalingon sa aking gawi si Mommy. May iilang butil na rin ng pawis ang namuo sa kaniyang noo, pero hindi man lang mahalata ang pagod sa kaniyang mga mata.Nag-e-enjoy pa nga siya sa kaniyang ginagawa, at halatang hindi siya napipilitan.“Yes. Para naman may pagkaabalahan ako,” paliwanag niya, saka na naman ipinagpatuloy ang pagbubungkal.Maging ang lupa, nagawa rin niyang orde
Read more