Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View “Hindi ka talaga sasama sa akin?” tanong niya na siyang ikinatawa ko nang mahina. Palabas pa lang kami ng mansion, pero heto siya, nagtatanong na, at umaasang magbabago ang aking naging desisyon. “Kung nandoon ako, baka hindi ka makinig,” puna ko, dahil ‘yon naman ang madalas niyang gawin. Kagaya na lang noong hindi kami nagkikita ni Killian, at puro lang kami tawag, o hindi kaya ay chat. Ang madalas niya lang gawin ay ang titigan ako, habang ako ay nagtatrabaho. Hindi siya nakikinig sa discussion sa meeting, which is ‘yon ang napansin ko. Nagawa ko nga siyang punahin, dahil kahit naka
Read more