Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewNang makarating kami sa hotel na kung saan si Mommy ang pumili, hindi ko maiwasang mapangiwi na lamang.Sobrang laki kasi nito, at kung susubukan kong tingnan ang presyo sa website nila, baka sumakit lang ang ulo ko.Hindi naman kasi kailangan na magarbo ang room na pipiliin ni Mommy, eh. Ayos lang naman kahit maliit, o hindi kaya ay sakto lang. Hindi naman kasi ako maarte, eh. Pero dahil nga alam ko naman na gusto ni Mommy na comfortable ako, hindi na ako nag-text pa kay Mommy.“Saan ang room mo?” tanong ko kay Killian, dahil nakasunod siya sa akin.Kalalabas lang din ng mga tauhan niyang nagbuhat ng mga gamit namin, at hindi ko maiwasang mapasulyap sa kung saan nila inilagay ang aking mga gamit.Nandoon kasi ang mga gamit ni Killian, eh. Na kahit hindi ko na tanungin, alam ko na kaagad ang sagot. Pero siyempre ay kailangan ko pa rin namang makasiguro.“Dito,” sagot niya, at umupo sa sofa na malapit lang sa amin.Napakurap ako, at hindi maiwasan
Read More