Kiara’s POVPagkatapos kong magbihis at piliting pakalmahin ang sarili ko, lumabas ako ng silid. Mabagal ang lakad ko pababa ng hagdan. Ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib ko at ang pagod sa katawan ko. Pagdating ko sa kalahati ng hagdan, agad kong nakita sina Uncle Chase at Eliza sa sala.Magkaharap sila. Nakakunot ang noo ni Uncle Chase, halatang naiirita. Si Eliza naman ay seryoso, tuwid ang tindig, parang handang ipaglaban ang anumang sasabihin niya. Hindi ko sana sila papansinin, pero tumagos sa pandinig ko ang boses ni Eliza.“Let’s start over again, Chase.”Parang may humigpit sa dibdib ko. Napahinto ako sa paglalakad. Hindi ko namalayang napakapit ako sa railings ng hagdan.Hindi ko napigilang mapalingon sa kanila. Sa halip na bumaba, umatras ako ng kaunti at nagtago sa likod ng pader. Ayokong makita nila ako. Gusto kong marinig ang sasabihin nila.“Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo, Eliza,” mariing sabi ni Uncle Chase, “na hindi na ako babalik sa iyo?”Napabuntong-hininga
Read more