Chase’s POVBuong araw akong tutok sa computer at sa trabaho. Sunod-sunod ang mga dokumentong kailangang pirmahan, mga kontratang kailangang repasuhin, at mga tawag na hindi ko sinasagot. Ayokong may kausap. Ayokong may istorbo.Kaya nang bumukas ang pinto ng opisina ko, agad akong nainis.Mas lalo pang umigting ang panga ko nang makita ko kung sino ang pumasok.Si Kiara.Kasunod niya si Ed, halatang alanganin, halatang hindi rin niya inaasahan ang biglaang pagdating nito. Nagtagpo ang tingin namin ni Ed. Isang sulyap lang, pero sapat na para maintindihan niya ang gusto kong mangyari.“Leave us,” malamig kong sabi.“Sir—” tila gusto pang magsalita ni Ed, pero pinigilan niya ang sarili niya. Tumango na lang siya at lumabas, isinara ang pinto sa likod niya.Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng dokumento sa harap ko. Hindi ko nilingon si Kiara. Ayokong makita ang mukha niya. Ayokong makita kung paano niya ako titigan, kung paano niya ako lambingin na parang walang nangyari.“Good afternoon,”
Read more