Kiara’s POV Nasa restaurant ako ngayon kasama ang isa sa pinakaimportanteng kliyente ko. Family dispute ang kaso nila, at ako ang kinuhang litigation lawyer. Matagal na kaming nag-uusap tungkol sa strategy, sa posibleng galaw ng kabilang kampo, at kung paano namin ihahanda ang sarili namin sakaling mauwi sa korte ang lahat. “Attorney Kiara,” sabi ni Mrs. Villanueva habang hawak ang baso niya ng tubig, “sigurado ka bang kaya nating manalo kahit may kapit sa pulitiko ang kapatid ng asawa ko?” Tumango ako. “Yes, Ma’am. Mahirap, pero hindi imposible. Ang mahalaga, kompleto ang documents at consistent ang statements ninyo. Kahit may kapit sila, kung malinis ang ebidensya natin, mahihirapan silang lusutan.” “Natatakot lang talaga ako,” sabat ng asawa niya. “Baka baliktarin nila kami.” “Normal lang po ‘yan,” sagot ko. “Pero that’s why you hired me. Trabaho kong siguraduhin na hindi kayo maaagrabyado.” Nagpatuloy pa ang usapan namin. Pinag-usapan namin ang timeline, ang posibleng motions
Read more