Chase’s POVPagod na pagod ako galing sa sunod-sunod na meeting. Ramdam ko ang bigat ng katawan ko habang nagmamaneho pauwi, parang bawat segundo humihila pababa sa akin. Pero kahit gano’n, malinaw ang nasa isip ko—si Kiara. Ang buntis kong asawa. Siya lang ang gusto kong makita. Gusto kong marinig ang boses niya, masigurong maayos siya, at maramdaman na ligtas kami pareho sa iisang bubong.Pagdating ko sa bahay, bigla akong napatigil.Sobrang dilim.Walang ilaw sa labas. Walang ilaw sa loob. Hindi ito normal. Palaging may bukas na ilaw si Kiara kapag hinihintay niya ako, kahit pagod na pagod na siya. Parang may malamig na gumapang sa batok ko.Agad kong dinukot ang cellphone ko at tinawagan ang security na naka-assign sa kaniya.Walang sumasagot.Tinawagan ko ulit. Isa. Dalawa. Tatlo.“Fuck,” mura ko, ramdam ko na ang kaba na sumisikip sa dibdib ko, parang may humahawak sa puso ko.Tinawagan ko si Kiara.Ring lang. Walang sagot.“Kiara, please,” bulong ko, halos hindi ko marinig ang s
Read more