Sandaling tumigil ang mundo ni Hera.Hindi dahil sa paghinto ng sasakyan, kundi dahil sa titig ni Billy—malamig, tuyo, at tila walang anumang natitirang bakas ng taong minsan niyang nakilala.“Billy…” mahinang lumabas sa kanyang labi, ngunit walang lakas.Hindi ito sumagot agad.Pinagmasdan lang siya nito, parang sinusukat ang bawat galaw, bawat paghinga, bawat panginginig ng kanyang katawan.“Akala ko…” napalunok si Hera, pilit binubuo ang lakas ng loob, "a-ayaw mo na akong makita.." Pinilit niyang maging matatag, at maging kalmado. Baka naman kaya siya kinidnap ng lalaki, ay para makipagbalikan.Bahagyang tumaas ang sulok ng labi ni Billy, ngunit hindi iyon ngiti.“Marami kang inakala,” sagot niya. “At karamihan doon… kasinungalingan.”Tumahimik ang loob ng sasakyan.Tanging ang mahinang ugong ng makina at ang mabilis na tibok ng puso ni Hera ang maririnig."A-ano bang sinasabi mo?" alanganin ang kanyang ngiti, halatang nanginginig ang kanyang tinig, "Bi-Billy.. nakalimutan mo na
Read more