Knock. Knock. Knock. Sunod-sunod ang katok sa pinto ng bahay nila Renna, parang may nagmamadali. “Renna! Buksan mo na ’yang pinto, baka masunog na ’tong niluluto ko rito!” sigaw ni Aling Pristina mula sa kusina, may halong inis at panic. “Opo, ’Nay! Ako na po ang bahala,” sagot ni Renna habang nagmamadaling lumabas ng kwarto. Bago pa tuluyang lumapit sa pinto, sumulyap muna siya sa salamin, inayos ang buhok, saka kinindatan ang ina na para bang may sikreto. Napahinto si Aling Pristina at napamulagat. “Ano ’yang suot mo?! Ano ’yang itsura mo?!” halos mapataas ang boses niya. “Bakit ganyan ka kaganda? Akala ko ba ayaw mong magpakasal? Para kang ikakasal sa ayos mo, anak!” Napangiti si Renna, kunwaring inosente. “Akala ko naman kung ano na ang sasabihin n’yo, ’Nay,” biro niya habang dahan-dahang binubuksan ang pinto. “Syempre mana lang po ako sa inyo, mother.” Napailing na lang si Aling Pristina, sabay buntong-hininga. “Hay naku… ikaw talaga.” Welcome po sa aming muntin
최신 업데이트 : 2026-01-21 더 보기