“Sino kausap mo diyan?” biglang tanong ni Dricks, kasabay ng pagbukas ng pinto. Kagagaling lang niya sa loob ng silid nila ni Renna. Nakasimangot ang kanyang mukha, at halatang mabigat ang iniisip. Bahagyang nagulat si Cindy. Muntik pa niyang mabitawan ang cellphone na hawak. Mabilis niyang itinago ang kaba sa likod ng isang pilit na ngiti. “A-ano… si Mama lang,” sagot niya, pilit pinapakalma ang sarili. “Kinukumusta lang niya ako. Bakit daw ang tagal kong umuwi.” Sandaling tinitigan siya ni Dricks, tila sinusukat kung nagsasabi ba siya ng totoo. Pagkatapos ay marahan itong tumango. “Ah… si Tita,” saad niya, bahagyang malamig ang tono. “So… uuwi ka na ba?” Hindi agad sumagot si Cindy. Sa halip, dahan-dahan siyang lumapit kay Dricks, bawat hakbang ay puno ng kumpiyansa at matagal nang naipong pananabik. Huminto siya sa harap nito—napakalapit, sapat para maramdaman niya ang init ng katawan ng lalaki. “Uhmmm…” mahina niyang bulong, habang nakatingala sa mga mata nito. “Ikaw…
Terakhir Diperbarui : 2026-02-25 Baca selengkapnya