Dahan-dahang tumayo si Drickson mula sa sahig. Nanginginig pa rin ang tuhod niya pero pilit niyang inaayos ang sarili. “Umupo ka nga muna,” sabi ni Renna, sabay tulak sa balikat niya papunta sa sofa. “Para kang hinabol ng sampung multo.” “Kasalanan mo,” singhal niya pero mahina na. “Bigla ka na lang susulpot na parang galing sa hukay.” “Excuse me?” umirap si Renna. “Ikaw ang umalis. Ikaw ang nang-iwan sa akin sa gitna ng kawalan. Napasinghap si Drickson. “Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin!” Tumayo si Renna at naglakad papunta sa kusina. Binuksan niya ang puso, naghilamos, saka humarap ulit sa kanya. “Makinig ka, Drickson,” seryoso na ang tono niya. “Nasa Boracay tayo at first time ko lang dito, tapos kagabi iniwan mo lang ako ng ganun lang. Nakatulog na ako sa daan, magising bigla,nagtanong tanong ako para makarating lang dito. Buti at mababait ang mga tao sa Boracay kaya ligtas akong nakarating dito. “Oo,” tango niya. “Buhay. Buo ang katawan. Walang supot.” Tahimik
Terakhir Diperbarui : 2026-02-13 Baca selengkapnya