ELOWEN GARCIA'S POV Abala ako sa pagluluto ng pancake sa kusina ng marinig kong bumukas ang pintuan sa likuran ko. Nanatiling naka-angat sa ere ang kamay ko, dahan-dahan akong lumingon at nakita ko si Alexander. Magulo ang buhok at halatang bagong gising, bukod doon ay wala itong pang-itaas na suot. Pero mas kapansin-pansin ang pagiging busangot ng kanyang mukha, animo'y may kaaway siya na hindi niya matalo-talo. "Magdamit ka kaya?" panimula ko, at doon lang siya nag-angat ng tingin sa akin. And I froze... when I saw the bruise on his left cheekbone. Namumula iyon na namamaga, at kahit may kalayuan ako sa kinatatayuan niya at kitang-kita ko iyon. "Masama ba ang mood mo ngayon araw dahil nasapak ka?" banat ko. Huminga siya ng malalim. Napapalunok habang ang kanyang kilay ang salubong, mukhang pikon na pikon. "F*ck...she was a woman, but her punch was too strong and it shocked me," pag-kwento niya sabay lakad papalapit sa akin. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan si
Read more