Solana Estrella Villanueva’s Point of View “Dad,” bati ko sa kaniya nang magpunta kami sa bahay.Nakasalubong namin siya na palabas ngayon ng bahay, pero nang makita niya kami, natigilan siya.Humalik naman ako sa pisngi niya, habang si Demetrius naman ay nagmano sa kaniya na kaagad namang tinapik ni Daddy ang kaniyang balikat.“Napadalaw yata kayo? Wala kayong schedule ngayon sa opisina?” tanong ni Daddy sa amin.“Mayroon naman po, pero gusto po kasi namin kayong makausap ni Mommy ngayon, bago po magpunta sa office,” paliwanag ko naman, at napasulyap kay Demetrius na ngayon ay nakatingin lang pala sa akin.Kaya pala pakiramdam ko ay parang may nakatingin sa akin. Siya pala ‘yon.Ibinalik ko naman kaagad ang aking atensyon kay Daddy na ngayon ay tumango.“Then let’s go. Pasok kayo,” aya ni Daddy, at nauna ng naglakad papasok ng bahay.“Hindi ka ba namin naabala, Dad?”“No. Not at all, sweetheart,” malambing na sambit ni Daddy, at lumingon pa sa akin. “May kukunin lang sana ako sa gar
Read more