Solana Estrella Villanueva Russo’s Point of ViewBusiness class ang kinuha ni Demetrius, pero alam ko naman na napilitan lang siya, dahil ang balak talaga niya ay private plane. Though, hindi ko alam kung may sarili ba siyang plane, or chopper, pero kasi ay mas gusto ko talaga ‘yong ma-e-enjoy ko ang flight ko. Since hindi rin naman namin sigurado ni Demetrius kung ilang buwan nga ba kami roon sa Italy, napag-usapan namin na mag-private plane na lang kung sakali. Hindi naman na ako umangal doon, dahil tama naman siya sa part na ‘yon.May dala ring snacks si Demetrius kaya may kinakain akong chips, habang nanonood.Katabi ko nga lang din si Demetrius, eh. Nakatutok lang siya sa kaniyang phone, at hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya.“Demetrius,” tawag ko sa kaniya.Mabilis naman siyang napalingon sa akin na may pagtataka sa kaniyang mukha.Ngumiti naman ako nang tipid, at pasimpleng itinigil ang panonood. “What are you doing?”“I’m watching our videos,” pahayag niya na siyang iki
閱讀更多