Solana Estrella Villanueva Russo’s Point of ViewNakapagpalit naman na ako ng suot ko nang makarating kami rito sa reception, eh. White dress na lang ngayon ang suot ko, pero hapit pa rin talaga sa katawan ko. Kaya nang magpaalam kami ni Demetrius sa mga magulang ko, pumulupot ang kaniyang kamay sa aking baywang.“We’ll go first,” paalam ni Demetrius sa mga kaibigan niya.Tumango naman ang mga ‘to bilang sagot, at sinulyapan ako saglit. Though, hindi ko alam kung paano ko sila i-a-approach, kaya tiningnan ko lamang sila.“Enjoy your honeymoon, Mr. Russo.”Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi, dahil sa sinabi ng isa niyang kaibigan. Kaya mabilis kong inilihis ang aking mga mata, hanggang sa nagsimula na kaming maglakad palabas ng reception area.Pagkapasok ni Demetrius, nilingon ko naman kaagad siya. Gusto ko kasing tanungin kung sinu-sino ang mga ‘yon, dahil hindi talaga ako pamilyar sa mga mukha ng mga kaibigan niya. Maging ang parents din niya, hindi ko nakita. Wala ba siy
閱讀更多