Solana Estrella Villanueva’s Point of ViewPara namang nawala ‘yong inis na nararamdaman ko, dahil sa sinabi ni Demetrius. Biglang umakyat lahat ng aking dugo sa aking pisngi na naging dahilan kung bakit inilihis ko ang aking mga mata.Though, hindi ko naman maiwasang makaramdam ng sayaa, dahil sa naging sagot niya. Kaya para hindi nito mahalata pamumula ng aking pisngi, tumikhim na lamang ako, at piniling kumain ng ice cream.Actually, hindi ko alam kung bakit kami nandito ni Demetrius ngayon. Naaalala ko kasi talaga ang lahat ng ‘yon, eh. Aminado akong hindi ko ‘yon makalilimutan, dahil ‘yon ang unang beses naming ginawa ‘yon, at ang malala pa ay nasa public place kami.“Hindi kaya magalit ‘yong mga nagkakagusto sa ‘yo? Ikakasal ka na,” pagbibiro ko, dahil sobrang tahimik talaga.Matapos kasi ang naging sagot niya sa tanong ko, natahimik kaming pareho, at ‘yon ang nakaiilang.“As if I care.”Natawa naman ako sa pagiging suplado niya. Alam ko naman na wala ‘tong pakialam sa nararamdam
Read more