Clara Santos POV Alas-nuwebe na ng umaga. Ang sikat ng araw sa labas ay hindi na kasing tindi ng dati, marahil dahil sa ulan kagabi. Nakaupo ako sa dining table, tinitingnan ang listahan ng mga pangalan na isinulat ni Diana sa kanyang tablet. Sa tapat ko, si Sebastian ay busy sa pag-aayos ng kanyang digital calendar habang humihigop ng kape. "Clara, okay na ba 'tong fifteen people?" tanong ni Diana habang ipinapakita ang screen sa akin. "Kasama na rito sina Mang Tino, ang asawa niya, si Aling Nena na nagbebenta ng itlog sa kanto, at 'yung tatlong construction workers na tumulong sa atin nung binyag." "I think that's enough for a start, Diana. Baka kapag dinamihan pa natin, hindi na tayo magkaroon ng space sa garden," sagot ko. "At saka, gusto nating maging intimate lang, 'di ba?" "Yeah, true. Intimate and rustic," tawa ni Diana. "Kuya, ikaw? Sino pang gusto mong i-invite? 'Yung pinsan ba ni Mang Tino na nag-ayos ng plumbing natin?" Ibinaba ni Sebastian ang baso niya at tumingin sa
Mehr lesen