Clara Santos POV Alas-otso pa lang ng umaga pero ramdam na ang singaw ng lupa sa likod-bahay. Nakaupo ako sa isang mababang stool sa ilalim ng lilim ng veranda, pinapanood sina Sebastian at Ben na nag-aayos ng mga materyales para sa greenhouse. Naka-gray na sando lang si Sebastian, may nakasabit na towel sa balikat, at bakas ang putik sa kanyang mga binti. Halatang kanina pa sila gising at nagtatrabaho. "Ben, 'yung leveler paki-check nga rito sa kanto. Parang tabingi 'yung pagkaka-baon nung post," tawag ni Sebastian habang nakaluhod sa damuhan. "Opo, Sir. Sandali lang po, kukunin ko lang sa toolbox," sagot ni Ben na mabilis na kumilos. Lumabas si Papa Ricardo mula sa kusina, may dalang pitsel ng malamig na tubig at ilang baso. Inilapag niya ito sa table malapit sa akin. "O, Clara, pagsilbihan mo muna 'yang asawa mo. Baka ma-heatstroke 'yan sa sobrang excitement sa paghahalaman." "Tay, sinabihan ko na 'yan kanina. Sabi niya, 'Five minutes more' daw, pero mag-iisang oras na siyang
Mehr lesen