LOGINClara Santos POV "Sebastian, sigurado ka bang dyan mo ilalagay 'yan? Baka matakpan 'yung view ng mga sili sa bintana," puna ko habang nakatayo sa tapat ng back door, pinapanood ang asawa ko at si Rico na nagtutulungan sa pagbuhat ng isang malaking asul na water tank. Alas-nuwebe na ng umaga at medyo matindi na ang sikat ng araw. Ito ang solusyon ni Sebastian sa naging problema namin sa water pressure nung isang linggo. Dahil balak naming dagdagan ang plots para sa Christmas order ni Michelle, kailangan na talaga ng mas malakas na supply ng tubig para sa misting system. "Dito lang 'to sa gilid ng shed, Hon. Hindi naman tatakip sa greenhouse. Kailangan kasi medyo mataas 'yung elevation para natural 'yung daloy ng tubig kahit mawalan ng kuryente," paliwanag ni Sebastian habang pinupunasan ang pawis sa leeg gamit ang suot niyang towel. "Rico, dahan-dahan dyan sa kanto. Baka sumabit sa yero." "Opo, Sir. Konting pilit na lang po, mai-aakyat na natin 'to sa platform," sagot ni Rico. Namu
Clara Santos POV Alas-singko y medya pa lang ng umaga. Malamig ang simoy ng hangin na pumapasok sa siwang ng bintana, 'yung amoy na halo ng hamog at basang damo mula sa labas. Dahan-dahan akong bumangon para hindi magising si Lucas at si Sebastian, pero paglingon ko sa tabi ko, wala na ang asawa ko. Tanging lukot na kumot na lang ang naiwan sa pwesto niya. Alam ko na kung nasaan siya. Simula nung kinuha namin si Rico, naging routine na ni Sebastian ang gumising nang mas maaga para i-check ang greenhouse bago magsimula ang mainit na trabaho sa hapon. Nagsuot ako ng cardigan at dumeretso sa kusina. Isinalang ko ang takure at habang hinihintay itong kumulo, sumilip ako sa bintana na nakaharap sa likod-bahay. Nakita ko ang dalawang anino sa loob ng greenhouse—sina Sebastian at Ben. May dala silang mga flashlight, tinitignan ang bawat plot na parang may hinahanap na kayamanan. "Hon, ang aga niyo dyan ah," bati ko paglabas ko sa veranda bitbit ang dalawang tasa ng kape. "Akala ko ba si
Clara Santos POV "Sebastian, dahan-dahan! Madulas na 'yung ladder, kanina pa umaambon!" sigaw ko habang nakatayo sa may veranda, pilit na tinatanaw ang asawa ko na nasa itaas ng bagong extension ng shed. Alas-tres pa lang ng hapon pero sobrang dilim na ng langit. Akala namin ay makakaligtas kami sa ulan ngayong araw, pero mukhang nagkamali ang weather app ni Sebastian. Kasalukuyan silang nagkakabit ni Rico ng huling piraso ng yero para siguradong hindi mababasa ang mga bagong dating na sako ng bote at labels. "Kaya ko 'to, Hon! Isang turnilyo na lang 'to!" sagot ni Sebastian. Kita ko ang pag-igting ng panga niya habang pilit na ibinabaon ang screw gamit ang drill. Ang t-shirt niya ay basang-basa na ng pawis at ambon, dumidikit na sa likod niya. "Sir, ako na po dyan sa kabilang side! Hawakan ko po 'tong yero para hindi liparin!" sigaw ni Rico mula sa kabilang dulo ng bubong. Mas mabilis kumilos ang bata, parang hindi natatakot sa taas. "Sige, Rico! Ingat ka dyan sa edge!" balik-si
Clara Santos POV"Sebastian, sigurado ka bang darating 'yun? Alas-otso na, baka naligaw na 'yun sa kanto nina Mang Tino," sabi ko habang nag-aayos ng mga hairnet sa kitchen counter.Ngayong umaga ang unang araw ng kinuha naming karagdagang staff. Dahil sa dagsa ng orders mula sa Clark at ang papalapit na regional fair, hindi na talaga namin kayang apat lang kami. Kailangan na ni Ben ng katuwang sa greenhouse para makapag-focus siya sa pag-operate ng bagong shrink wrap machine."Darating 'yun, Hon. Inirekomenda siya ni Mang Carding mula sa hardware. Pamangkin daw niya, masipag at sanay sa bukid. Rico ang pangalan," sagot ni Sebastian habang tinitignan ang kanyang relo. Nakasandal siya sa island counter, sumisipsip ng kape habang binabasa ang listahan ng mga kailangang pitasin ngayong araw.Eksaktong may tumunog na busina ng motor sa labas. Sumilip si Diana sa bintana. "Kuya, ayan na yata. Mukhang bata pa ah."Lumabas si Sebastian para salubungin ang bisita. Sumunod ako sa pintuan at na
Clara Santos POV Alas-siyete pa lang ng umaga pero ramdam ko na ang init ng araw sa batok ko habang naglalakad sa bagong latag na semento sa likod ng shed. Patuyo na ito, at proud na proud si Sebastian habang tinitingnan ang kinalabasan ng extension. Maayos na ang flooring, at nakatayo na ang mga matitibay na shelves na gawa sa bakal at kahoy. "Hon, tignan mo. Kasya na rito ang almost one thousand jars kung i-stack natin nang maayos," sabi ni Sebastian habang sinusukat ang distansya ng bawat shelf. "Hindi na tayo magsisiksikan sa kusina tuwing may big order." "Mabuti naman, kasi nahihirapan na ako magluto ng dinner kapag puro boxes ang nakaharang sa dinadaanan ko," tawa ko habang iniaabot sa kanya ang baso ng malamig na tubig. Lumabas si Diana mula sa main house, bitbit ang kanyang tablet at may nakasukbit na ballpen sa tenga. "Kuya, Ate! Dumating na 'yung invoice para sa shrink wrap machine. If we pay today, ma-de-deliver nila by Friday. Sakto sa schedule natin for the next batch
Clara Santos POVAlas-nuwebe na ng umaga, pero parang ayaw pa ring bumangon ng buong bahay. Matapos ang trade fair kahapon, lahat kami ay parang dumaan sa marathon. Nakita ko si Sebastian sa kusina, nakatitig lang sa baso ng kape niya habang gulo-gulo pa ang buhok. Suot pa rin niya ang t-shirt na ginamit niya kahapon, pero halatang wala pa siyang balak maligo."Hon, okay ka pa? Parang naging estatwa ka na dyan," biro ko habang inilalapag ang plato ng tinapay sa mesa.Dahan-dahan siyang tumingin sa akin at ngumiti nang tipid. "Clara, ramdam ko 'yung bawat muscle sa likod ko. Hindi ko akalain na nakakapagod palang tumayo ng walong oras at makipag-usap sa iba't ibang tao.""Pero aminin mo, masarap sa pakiramdam na ubos ang paninda natin," sabi ko sabay upo sa tapat niya."Sobrang sarap. Pero 'yung realization na kailangan nating gawin uli 'yun sa regional fair next month... doon ako medyo kinakabahan. Five hundred jars, Clara. Paano natin gagawin 'yun nang hindi tayo nag-co-collapse?" ta
Clara Santos POV Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Ang malamig na simoy ng hangin sa Wright Park ay humahampas sa balat ko, kasabay ng tensyong unt-unting sumasakal sa akin. Nasa gitna ako ng dalawang lalaki. Sa harap ko, si Julian na nakahawak sa pinto ng sasakyan, handa akong isama sa pag-alis. S
Clara Santos POV Nakahiga lang ako at nakatitig sa kisame. Madilim na sa labas at tanging ang patak ng ulan sa bintana ang naririnig ko, pero mas magulo ang isip ko. Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang report: “Suppress the structural report.” Isang maikling utos na sumira sa buhay namin. Nari
Clara Santos POV Nagising ako kinaumagahan na nasa rocking chair pa rin. Masakit ang leeg ko at medyo naninigas ang binti ko. Napansin ko ang isang makapal na kumot na nakabalot sa akin. Si Sebastian. Kahit nag-aaway kami, hindi niya nakakalimutang siguraduhin na hindi ako lalamigin. Dahan-daha
Clara Santos POV Alas-onse na ng gabi pero dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Nakahiga ako sa kama, nakatitig sa kisame habang nararamdaman ang bawat galaw ni Lucas sa loob ng tiyan ko. Limang buwan na, at ramdam ko na ang bigat sa bawat pag-ikot ko sa kama. Sa kabilang kwarto, naririnig ko a







