LOGINClara Santos POV "Diana, pakicheck nga ‘yung inventory list sa tablet. Sigurado ba tayong three hundred jars ang nakalagay sa Box A to E?" Inayos ko ang suot kong apron habang naglalakad sa gitna ng sala na puno na ngayon ng mga karton. Bukas na ang simula ng Regional Trade Fair, at kahit ilang beses na naming binilang ang mga paninda, parang hindi pa rin ako mapakali. "Chill lang, Ate. Naka-counter check na kami ni Ben dyan kaninang madaling araw bago niyo pa mapakuluan ‘yung huling batch ng bawang," tawa ni Diana habang hindi inaalis ang tingin sa screen. "Look, green na lahat ng status. Relax ka lang, masyado kang tense." "Paano namang hindi ako mate-tense? This is the regional level, Diana. Hindi na lang ‘to sa covered court ng bayan natin. Iba na ang crowd doon, baka pati mga exporter nandoon," sagot ko habang sinisiguradong mahigpit ang packing tape sa isang box. Pumasok si Sebastian mula sa back door, bitbit ang isang stack ng mga bagong print na flyers. "Hon, calm down. N
Clara Santos POV "Sebastian, dahan-dahan lang ang pagbukas. Baka mabigla ang pressure, tumalsik 'yung takip," paalala ko habang nakamasid sa asawa ko. Nandito kaming lahat sa dulo ng shed kung saan nakatago ang mga banga na nilinis ni Rico noong nakaraang linggo. Ngayong araw ang tinakdang petsa para tikman ang unang batch ng 'Project Vinegar'. Mahigit isang buwan din itong nakababad sa sukang Paombong na hinaluan namin ng mga 'imperfect' na sili mula sa greenhouse. Maingat na tinanggal ni Sebastian ang mahigpit na pagkakatali ng cheesecloth at plastic sa ibabaw ng banga. Kasunod nito ang pag-angat ng mabigat na takip na gawa sa luwad. Agad na humalinguyak ang amoy sa paligid—isang matapang na asim na may kasamang sipa ng anghang at konting bango ng bawang at luya. "Whoa! Grabe ang sipa sa ilong," tawa ni Rico habang bahagyang lumalayo. "Pero amoy masarap po, Sir. Parang 'yung sawsawan sa mga litson sa probinsya." Kumuha si Sebastian ng isang malinis na sandok at dahan-dahang kum
Clara Santos POV "Sebastian, sigurado ka bang dyan mo ilalagay 'yan? Baka matakpan 'yung view ng mga sili sa bintana," puna ko habang nakatayo sa tapat ng back door, pinapanood ang asawa ko at si Rico na nagtutulungan sa pagbuhat ng isang malaking asul na water tank. Alas-nuwebe na ng umaga at medyo matindi na ang sikat ng araw. Ito ang solusyon ni Sebastian sa naging problema namin sa water pressure nung isang linggo. Dahil balak naming dagdagan ang plots para sa Christmas order ni Michelle, kailangan na talaga ng mas malakas na supply ng tubig para sa misting system. "Dito lang 'to sa gilid ng shed, Hon. Hindi naman tatakip sa greenhouse. Kailangan kasi medyo mataas 'yung elevation para natural 'yung daloy ng tubig kahit mawalan ng kuryente," paliwanag ni Sebastian habang pinupunasan ang pawis sa leeg gamit ang suot niyang towel. "Rico, dahan-dahan dyan sa kanto. Baka sumabit sa yero." "Opo, Sir. Konting pilit na lang po, mai-aakyat na natin 'to sa platform," sagot ni Rico. Namu
Clara Santos POV Alas-singko y medya pa lang ng umaga. Malamig ang simoy ng hangin na pumapasok sa siwang ng bintana, 'yung amoy na halo ng hamog at basang damo mula sa labas. Dahan-dahan akong bumangon para hindi magising si Lucas at si Sebastian, pero paglingon ko sa tabi ko, wala na ang asawa ko. Tanging lukot na kumot na lang ang naiwan sa pwesto niya. Alam ko na kung nasaan siya. Simula nung kinuha namin si Rico, naging routine na ni Sebastian ang gumising nang mas maaga para i-check ang greenhouse bago magsimula ang mainit na trabaho sa hapon. Nagsuot ako ng cardigan at dumeretso sa kusina. Isinalang ko ang takure at habang hinihintay itong kumulo, sumilip ako sa bintana na nakaharap sa likod-bahay. Nakita ko ang dalawang anino sa loob ng greenhouse—sina Sebastian at Ben. May dala silang mga flashlight, tinitignan ang bawat plot na parang may hinahanap na kayamanan. "Hon, ang aga niyo dyan ah," bati ko paglabas ko sa veranda bitbit ang dalawang tasa ng kape. "Akala ko ba si
Clara Santos POV "Sebastian, dahan-dahan! Madulas na 'yung ladder, kanina pa umaambon!" sigaw ko habang nakatayo sa may veranda, pilit na tinatanaw ang asawa ko na nasa itaas ng bagong extension ng shed. Alas-tres pa lang ng hapon pero sobrang dilim na ng langit. Akala namin ay makakaligtas kami sa ulan ngayong araw, pero mukhang nagkamali ang weather app ni Sebastian. Kasalukuyan silang nagkakabit ni Rico ng huling piraso ng yero para siguradong hindi mababasa ang mga bagong dating na sako ng bote at labels. "Kaya ko 'to, Hon! Isang turnilyo na lang 'to!" sagot ni Sebastian. Kita ko ang pag-igting ng panga niya habang pilit na ibinabaon ang screw gamit ang drill. Ang t-shirt niya ay basang-basa na ng pawis at ambon, dumidikit na sa likod niya. "Sir, ako na po dyan sa kabilang side! Hawakan ko po 'tong yero para hindi liparin!" sigaw ni Rico mula sa kabilang dulo ng bubong. Mas mabilis kumilos ang bata, parang hindi natatakot sa taas. "Sige, Rico! Ingat ka dyan sa edge!" balik-si
Clara Santos POV"Sebastian, sigurado ka bang darating 'yun? Alas-otso na, baka naligaw na 'yun sa kanto nina Mang Tino," sabi ko habang nag-aayos ng mga hairnet sa kitchen counter.Ngayong umaga ang unang araw ng kinuha naming karagdagang staff. Dahil sa dagsa ng orders mula sa Clark at ang papalapit na regional fair, hindi na talaga namin kayang apat lang kami. Kailangan na ni Ben ng katuwang sa greenhouse para makapag-focus siya sa pag-operate ng bagong shrink wrap machine."Darating 'yun, Hon. Inirekomenda siya ni Mang Carding mula sa hardware. Pamangkin daw niya, masipag at sanay sa bukid. Rico ang pangalan," sagot ni Sebastian habang tinitignan ang kanyang relo. Nakasandal siya sa island counter, sumisipsip ng kape habang binabasa ang listahan ng mga kailangang pitasin ngayong araw.Eksaktong may tumunog na busina ng motor sa labas. Sumilip si Diana sa bintana. "Kuya, ayan na yata. Mukhang bata pa ah."Lumabas si Sebastian para salubungin ang bisita. Sumunod ako sa pintuan at na
Clara Santos POV "Ate Clara! Ate, heto na ang balita!" Hingal na hingal si Saling nang makarating sa kubo ni Lola Inggay. Basang-basa siya ng pawis at may dala siyang balot ng dyaryo at isang lumang radyong de-baterya na pinatitunog na niya habang naglalakad. "Saling, dahan-dahan. Maupo ka mu
Clara Santos POV "Ate Clara, dahan-dahan. Kumapit ka sa balikat ko, madulas ang mga ugat dito," bulong ni Saling habang hinihila ako paakyat sa matarik na bahagi ng gubat. Hingal na hingal ako. Masakit na ang likod ko at ramdam ko ang bigat ng tiyan ko sa bawat hakbang. "S-sandali lang, Saling.
Clara Santos POV "Ate Clara, gising! Huwag kang maingay!" Nagbalik ang ulirat ko nang maramdaman ko ang malamig na kamay ni Saling na tumatakip sa bibig ko. Madilim ang loob ng dampa, tanging ang anino lang ni Saling ang nakikita ko. "Bakit, Saling? Ano’ng nangyayari?" pabulong kong tanong. Ang
Clara Santos POV "Ate Clara! Ate, gising na! May mga parating na bangka, kailangan na tayo sa pampang!" Nagmulat ako ng mata sa boses ni Saling. Ang aga pa pero ang lakas na ng boses ng batang ito. Agad din akong napabalikwas nang maamoy ko ang lansa ng isda na dala ng hangin mula sa labas. Mab







