Clara Santos POV "Hindi ako sasama, Sebastian. Pagod na ako sa mga laro mo," sabi ko habang nakaupo sa gilid ng kama, matigas ang paninindigan. Humarap si Sebastian sa akin habang nag-aayos ng kanyang mamahaling relo. "Hindi ito pakiusap, Clara. Isusuot mo ang damit na iyan, o ako mismo ang magbibihis sa iyo. Alin ang mas gusto mo?" Tiningnan ko ang puting cocktail dress na nakalatag sa tabi ko. Pagkatapos ng nangyari sa laundry room kahapon, mas lalo siyang naging possessive. Ayaw niya akong mawala sa paningin niya. "Bakit kailangang nandoon ako? Negosyo 'yan. Wala akong alam sa Real Estate," katwiran ko. "Dahil gusto ko. At dahil ayaw kong may ibang lalaking umaaligid sa iyo kapag wala ako sa mansyon," sagot niya nang walang paligoy-ligoy. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang baba ko. "Five minutes. Maghihintay ako sa baba." Wala akong nagawa. Pagbaba ko, agad niya akong pinagbuksan ng pinto ng kanyang sasakyan. Ang biyahe patungo sa opisina niya sa Makati ay tahimik, pero pun
อ่านเพิ่มเติม