Clara Santos POV "Ayusin mo ang tayo mo, Clara. Hindi ka biktima rito, asawa kita," bulyaw ni Sebastian habang tinitingnan ang sarili sa salamin ng master suite. "Asawa? O display?" ganti ko habang pinipilit na isuot ang hikaw na ginto. "Kahit ano pa ang itawag mo, siguraduhin mong hindi ka lalayo sa tabi ko mamaya," utos niya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang bewang ko. Ang higpit ng kapit niya, tila ba natatakot siyang bigla akong maglaho. Pagdating namin sa Manila Hotel, ang daming flash ng camera. Nakakasilaw. Halos mabingi ako sa tunog ng mga katanungan ng reporters, pero hindi sila pinansin ni Sebastian. Dire-diretso kaming pumasok sa loob ng ballroom. "Sir Sebastian! Good to see you," bati ng isang matandang businessman. "Don Emilio. Enjoy the night," maikling sagot ni Sebastian. Hindi niya binitiwan ang bewang ko kahit isang segundo. Habang naglalakad kami, naramdaman ko ang paghinto ni Sebastian. Nanigas ang katawan niya. Tumingin ako sa unahan at nakita ko si Marc
Baca selengkapnya