Clara Santos POV "Ate Clara, dahan-dahan! Huwag kang titingin sa ibaba, baka mahilo ka." Napahawak ako nang mahigpit sa braso ni Saling. Matarik ang daan pababa mula sa kubo ni Lola Inggay patungo sa isang maliit na sapa kung saan kami kukuha ng mga sariwang halamang gamot. Ramdam ko ang bawat pintig ng puso ko, hindi lang dahil sa pagod, kundi dahil sa kaba na baka sa bawat kaluskos ng dahon ay may lumitaw na tauhan ni Sebastian. "Ayos lang ako, Saling. Medyo mabigat lang talaga ang pakiramdam ko ngayon," hingal kong sagot habang pinupunasan ang pawis sa noo. "Sabi ni Tatay, dagdagan daw natin ang ingat. 'Yung mga lalaking naka-suit sa pier, hindi pa rin umaalis. May mga dala silang aso ngayon, Ate," bulong ni Saling habang tinitignan ang paligid. "Aso?" Napahinto ako. "Bakit kailangang may aso pa?" "Para maamoy ka raw. Pero huwag kang mag-alala, sabi ni Lola Inggay, 'yung amoy ng mga nilalaga nating herbal, sapat na 'yun para malito ang mga ilong ng aso nila." Naupo ak
Last Updated : 2026-02-28 Read more