Clara Santos POV "Sino ka ba talaga?" bulong ko. Hindi ko binuksan ang pinto. Sa halip, tinawagan ko si Ben. Isang ring pa lang, sumagot na siya. "Ben! Ben, may tao sa labas ng bahay! Dito sa may garden, sa tapat ng bintana ko!" sigaw ko, pilit na hininaan ang boses para hindi marinig ng nasa labas. "Ano? Ma'am Clara, teka, papunta na ako! Huwag mong bubuksan ang pinto, naintindihan mo? Padating na ako!" Ibinaba ko ang tawag. Sumandal ako sa pader, hawak ang tiyan ko. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Si Lucas, tila nararamdaman din ang kaba ko dahil sunod-sunod ang sipa niya. "Shh... baby, okay lang tayo. Darating na si Kuya Ben," sabi ko habang humihinga nang malalim. Sinilip ko ulit ang bintana. Wala na siya. Ang tanging nakikita ko na lang ay ang mga puno ng pine na sumasayaw sa lakas ng hangin at ulan. Nawala siya na parang bula. Makalipas ang sampung minuto, narinig ko ang sirena ng motor ni Ben. Pagkatapos ay may kumatok sa pinto. "Ma'amClara! Si Ben
Last Updated : 2026-03-08 Read more