Clara Santos POV Nakahiga lang ako at nakatitig sa kisame. Madilim na sa labas at tanging ang patak ng ulan sa bintana ang naririnig ko, pero mas magulo ang isip ko. Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang report: “Suppress the structural report.” Isang maikling utos na sumira sa buhay namin. Narinig ko ang katok sa pinto. Hindi ako kumibo. "Clara? Kumain ka muna. Iniwan ko rito sa labas," boses ni Sebastian. Paos siya, parang hirap na hirap. Wala akong gana. Pakiramdam ko, masusuka lang ako sa bigat ng nararamdaman ko. "Clara, alam kong galit ka. Pero huwag mo namang gutumin ang sarili mo... pati si Lucas," dagdag niya. Nang marinig ko ang pangalan ng anak ko, dahan-dahan akong bumangon at binuksan ang pinto. Nandoon pa rin siya, nakasandal sa pader. Gusot ang polo niya, gulo-gulo ang buhok, at pagod na pagod ang mga mata. Tiningnan ko ang tray sa sahig. "Salamat," maikli kong sabi. Kinuha ko ang pagkain pero hinarang niya ang pinto bago ko ito maisara. "Mag-usap naman t
Huling Na-update : 2026-03-11 Magbasa pa