Rina Cortez POV Maaga kaming nag-ayos nina Gabriel at Theo. Kahit nasa maliit na apartment lang kami, sinigurado ni Gabriel na plantsado ang huling disenteng suit na natira sa kanya. Ako naman, isinuot ko ang pinakamalinis kong blouse. Ito ang araw na babalik kami sa Villareal Group, hindi para magmakaawa, kundi para harapin ang gulong iniwan ni Ricardo Montero matapos siyang posasan ng mga pulis kagabi. "Rina, sigurado ka bang okay lang na isama natin si Theo?" tanong ni Gabriel habang inaayos ang kurbata niya sa harap ng maliit na salamin sa banyo. "Wala tayong mapag-iiwanan sa kanya, Gabriel. At saka, mas mabuting kasama natin siya kaysa iwan natin dito sa apartment nang mag-isa," sagot ko habang nilalagyan ng pulbos ang likod ni Theo. "Daddy, are we going back to the big building with the yummy cookies?" tanong ni Theo, halatang excited na makalabas sa masikip naming unit. Ngumiti si Gabriel, pero bakas ang kaba sa kanyang mga mata. "Yes, buddy. Pero kailangang quiet lang tay
Read more