Rina Cortez POV Lunes. Ito na ang araw na nakasulat sa bawat folder na nirepaso namin ni Gabriel kagabi. Habang nakatayo ako sa tapat ng gate ng unibersidad, tila mas lalong humaba ang pathway patungo sa Administrative Building. Ang ingay ng mga sasakyan at ang tawanan ng mga estudyanteng pumapasok ay tila background noise na lang sa mabilis na pintig ng puso ko. "Rina, breath in. Breath out," bulong ni Gabriel sa tabi ko. Hindi siya nakasuot ng suit; naka-polo shirt lang siya na dark blue at maong, bitbit ang isang leather messenger bag. Sa paningin ng iba, isa lang siyang consultant o part-time faculty, pero para sa akin, siya lang ang tanging kakampi ko rito. "Nakatingin sila, Gabriel," bulong ko habang inaayos ang strap ng bag ko. Nararamdaman ko ang mga mata ng mga estudyanteng nakatambay sa may fountain. "Kahit hindi sila nagsasalita, alam kong alam nila." "Let them look. Wala silang alam sa totoong nangyari," sagot niya nang hindi tumitingin sa paligid. Huminto siya sandali
Read more