Rina Cortez POV “Focus, Rina. Pangatlong mali mo na ’yan sa entry ni Abad.” Napaigtad ako sa malamig na boses ni Gabriel sa mismong gilid ng tenga ko. Halos isang pulgada lang ang layo ng mukha niya sa akin habang nakatitig siya sa monitor ng laptop. Nakaupo ako sa high-back chair niya, habang siya naman ay nakatayo sa likuran ko, ang magkabilang kamay ay nakatukod sa armrest ng upuan, parang kinukulong ako. “Ang liliit kasi ng mga numero rito sa logbook, Prof,” palusot ko, kahit ang totoo ay dahil sa init ng hininga niya na tumatama sa leeg ko. “O baka dahil ’yan sa ginagawa ko?” Naramdaman ko ang paggapang ng dulo ng mga daliri niya sa gilid ng hita ko. Marahan, mapang-asar. Dahil sa ikli ng skirt ng uniform ko at sa posisyon ng pagkakaupo ko, walang kahirap-hirap niyang narating ang gitna ko. “M-magta-type na po ulit,” sagot ko sabay binalik ang tingin sa screen. “Sabi ko sa’yo kanina, Assistant kita. Ang trabaho ng assistant ay padaliin ang trabaho ng boss niya, hind
Read more