Rina Cortez POV Maaga akong nagising dahil sa silaw ng araw na tumatagos sa glass wall ng penthouse. Pagdilat ko, wala na si Gabriel sa tabi ko, pero amoy ko pa rin ang bango niya sa unan. Nakapatong sa bedside table ang isang robe na kulay puti at isang pirasong papel. “Breakfast is ready. Wear the robe and come out. We need to talk.” Paglabas ko sa sala, nakita ko si Gabriel na nakaupo sa dining table. Wala siyang suot na coat, naka-white polo lang siya na bukas ang unang dalawang butones. May nakahandang kape, prutas, at pancakes sa harap niya. “Kain na,” sabi niya habang hindi inaalis ang tingin sa kaniyang tablet. Umupo ako sa tapat niya. “Gabriel, kailangan ko na talagang bumalik sa dorm mamaya. May mga assignments pa ako na nandoon ang references.” Ibinaba niya ang tablet at tumingin sa akin. “Sabi ko sa’yo, dito ka muna sa buong midterm break. Lahat ng kailangan mo, ipapakuha ko. At tungkol sa pag-aaral mo, may bago tayong rules.” Kinuha niya ang isang folder sa gilid a
Read more