Naghahanda na sina Weston at Lori sa kani-kanilang mga kwarto."Saan kaya ako dadalhin ni Daddy?" bulong ni Lori habang nakaupo sa harap ng kanyang dressing table, naglalagay ng manipis na makeup dahilan para magmukha siyang fresh at nagniningning. Nacu-curious siya kung saan sila magi-staycation. Kaninang umaga, sinubukan niyang magtanong ulit kay Weston, pero talagang tikom ang bibig nito tungkol sa kung saan nila gugugulin ang weekend.Naka-white t-shirt, blue jeans, at puting sapatos si Lori, ang outfit na napagkasunduan nila ni Weston. Matapos i-check nang mabuti ang kanyang hitsura at siguraduhing maayos ang suot niya, kinuha niya ang kanyang maliit na bag at lumabas ng kwarto.Sa unang palapag, naghihintay si Weston sa sala, hawak ang kanyang tablet."Daddy," mahinang tawag ni Lori, dahilan upang maalis ang tingin nito sa screen.Napatigil si Weston, natulala sa kagandahan ng dalaga."Beautiful," mahina niyang bulong, bagaman umabot pa rin ang mga salita sa pandinig ni Lori."A
Read more