Hawak pa rin ni Gino ang phone ni Weston nang may nanginginig na mga kamay.Ang likidong tumalsik mula sa kanyang bibig ay tumutulo sa kanyang baba, pero wala siyang pakialam. Ang kanyang paningin ay nakapako sa screen, partikular na sa picture na ipinadala ng hindi kilalang number sa kanyang boss. Ang picture na ‘yun ay kinuha sa gabi, mula sa malayo.Nakatayo si Ruby sa likuran ni Robin Cuneta. Sa tabi nila, si Russel ay nakayuko, para bang tumatanggap ng mga utos ng mga ito. Pero ang nagpatahimik kay Gino ay hindi ang tatlong tao, kundi ang malabong pigura sa kanang bahagi ng picture, na nakatayo sa labas ng sinag ng ilaw.Ang silhouette ay halatang sa isang lalaki. Matangkad siya. Ang kanyang mga balikat ay nakatagilid sa kaliwa, gaya ng isang taong may lumang injury. Kahit na nakasuot siya ng itim na hoodie at katiting lang ng kanyang mukha ang nakikita, agad na natigil ang paghinga ni Gino.“Hindi pwede ‘to,” bulong ni Gino.Tinitigan niya ang picture, para bang ang matagal na p
Read more