Huminto ang elevator sa 30th floor, kung saan matatagpuan ang office nina Weston at Lori. Lumabas sila at naglakad patungo sa kanilang suite, kung saan naghihintay na si Gino.Ininform ni Weston si Gino na malapit na sila, at sinabi naman nito na dumating na rin si Patrick."Where's Patrick?" tanong ni Weston."Naghihintay po siya sa meeting room, sir."Tumango si Weston at tiningnan ang mamahaling relo sa kanyang bisig. "Hmm... it's not time for the meeting yet, and Patrick is already here." Saglit na pumasok sina Weston at Lori sa kanilang opisina bago muling lumabas makalipas ang dalawang minuto. Tumuloy silang tatlo sa meeting room. Sa loob, naghihintay na si Patrick… ang bestfriend ni Weston, na tina-tap ang daliri sa maliit na desk sa harap niya, isang nakasanayang gesture niya kapag naiinip."Finally, you're here," ani Patrick na may malawak na ngiti.Natawa si Weston. "Maaga ka yata."Nagkibit-balikat si Patrick, saka tumingin kay Lori. "Lori, mukhang mas fresh ka ngayong ara
Read more