Ipinatong ni Lori ang kanyang tablet sa desk, bakas ang tensyon sa kanyang mukha. Sinulyapan niya si Weston na nananatiling kalmado sa panlabas nito. Sa hindi malamang dahilan, may pakiramdam siya na ang itatanong ng kanilang client ay magpapasama sa mood ni Weston. Napansin niya na simula nang pumasok siya sa meeting room, nakatitig na sa kanya si Liam. Sa totoo lang, naiilang si Lori sa mga tingin nito, pero sinisikap niyang kumilos nang maayos dahil kailangan niyang maging professional."What do you want to ask, Liam?" tanong ni Weston.Ngumiti si Liam at ibinaling ang tingin kay Lori. "Does Lori have a boyfriend?" "She has.""I have po."Sabay na sumagot sina Lori at Weston sa tanong ni Liam. Nagtagis ang panga ni Weston, at ang apoy ng selos sa kanyang katawan, na dati’y kislap lang, ay biglang lumiyab nang mataas."You shouldn't be asking personal questions during a work-related meeting, Mr. Reid. I know you already asked permission to speak outside the context of our current d
Read more