Sa study ng bahay ni Robin sa liblib na lugar at labas ng syudad.Dinala nila si Lori sa teritoryo ni Robin sa labas ng bayan. Nakaupo sina Robin, Ruby, Russel, at Rick sa sofa sa loob ng silid."Gusto kong magtagumpay ang lahat ng planong matagal nating binuo. I've waited so long for this moment, and I've sacrificed so much," ani Robin.Si Ruby, habang hawak ang isang basong puno ng wine, ay ngumiti kay Robin. "Sigurado akong gagana ito. Our plan is perfect. Higit tayo sa bilang. Imposibleng matalo tayo." Pagkatapos ay sinimsiman niya ang basong hawak.Sa ibabaw ng mesa ay mayroong mamahaling alak, ang kanilang nakagawiang inumin; tuwing nagmemeeting sila nang ganito, laging may alak na sumasama sa kanila."Just like you, I'm sure our plan will succeed. Kilalang-kilala ko si Weston. Kapag nag-aalala siya, kumikilos siya nang padalos-dalos. Para durugin ang lalaking yon, kailangang atakihin ang kahinaan niya," segunda ni Rick.Tahimik lang si Russel sa buong oras na iyon.Humarap si
Read more