Limang araw nang nasa hospital si Lori.Naghilom na ang mga sugat sa kanyang mukha, at ang mga pasa sa ilang bahagi ay nagsimula na ring maglaho. Simula pa kahapon, nagmamakaawa na si Lori kay Weston na pauwiin na siya dahil hindi na niya matiis na manatili pa sa ospital.Habang nasa ospital, hindi pumasok sa office si Weston. Ang mga mahahalagang dokumento na kailangan ng pirma niya ay direktang dinadala ni Gino sa ospital. Kung minsan, nagdaraos pa si Weston ng mga meeting mula sa treatment room ni Lori, sa pamamagitan ng virtual meetings, siyempre.Pwede sanang iwan ni Weston si Lori para pumasok sa opisina habang sinasamahan ito ni Manang Andeng, pero sadyang ayaw niyang umalis sa tabi nito."Dad, kailan ba ako makakauwi? Nababagot na ako rito," pagrereklamo ni Lori.Napakaraming beses na niyang hiniling kay Weston na umuwi ngayong araw, pero sadyang binabalewala nito ang kanyang mga hiling."Huwag ka nang makulit, love. You're not fully recovered yet. You still need to be treated
Read more